Kinumpirma ngayong Huwebes ni Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia na iniurong sa Marso 1 ang pagsasara ng Tandang Sora interchange at flyover sa Quezon City.

 (kuha ni Mark Balmores)

(kuha ni Mark Balmores)

Ito ang napagkasunduan sa pulong sa MMDA main office sa Makati City, na dinaluhan ng mga opisyal ng ahensiya, Department of Transportation (DOTr), nina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, at iba pang stakeholders, dakong 11:00 ng umaga.

Nabatid na mahigit 100,000 motorista ang inaasahang maaapektuhan ng pagsasara ng naturang interchange at flyover para bigyang-daan ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 7.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Una nang itinakda sa Sabado, Pebrero 23, ang pagsasara ng nasabing interchange at flyover.

Umapela naman ang Kamara at ang Quezon City Council na ipagpaliban nang isang linggo ang pagsasara ng Tandang Sora interchange at flyover.

Layunin ng 22-kilometrong MRT-7 na iugnay ang Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.

-Bella Gamotea