Tagaytay o Clark?

Sa pitong buwan na nalalabi para sa paghahanda sa hosting ng bansa ng Southeast Asian Games sa Nobyembre, malabo pa rin na maipatayo hanggang sa kasalukuyan ang venue para sa Skateboarding.

Dahil sa pagtitipid bunsod ng nabawasang pondo ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC), nakikiusap si PHISGOC Deputy Director General Arrey Perez, na kung maari ay ilapit na lamang sa mga target venues ng biennial meet ang mismong skate park na dapat sana ay sisimulan sa Tagaytay City.

“E dahil nga po, sa 33% na ibinawas sa budget ng SEA Games, eh baka naman pwede pong ipatayo na lang po sa mas malapit, para po makatipid tayo. Where in yung iisang venue lang lahat sa designated venues,” pahayag ni Perez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, ayon kay Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines President Monty Mendigoria hindi pa naman tuluyang umatras ang Tagaytay City para magpagawa ng skate park kung saan aniya, handa ang Department of Public Works and Highways na tumulong upang maipatayo sa nasabing syudad ang venue ng sport na nagpasikat nang husto kay Margielyn Didal.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Mendigoria na kung sakaling sa Clark Pampanga naman ang pipiliin na lugar, desidido naman si Siklab Foundation president Dennis Uy na paluwalan ang gastusin sa pagpapatayo ng venue na aabot sa P13 million.

Ang nasabing halaga ay posibleng gastusin kung ang ipapatayong skate park ay ang magiging training hub ni Didal at ng iba pang skateboard athletes upang hindi na sila mahirapan na lumabas pa ng bansa para magsanay.

-Annie Abad