HANGAD ng Department of Science and Technology sa Region 1 (DoST-1) o ang Ilocos Region at ng Mariano Marcos State university (MMSU) sa Batac City, na maiangat ang kalagayan ng buhay ng mga katutubo sa Dumalneg, Ilocos Norte.

Binubuo ng apat na barangay, karamihan ng mga naninirahan sa Dumalneg ay mga Yapayaos na naninirahan sa malusog na kagubatan at malinaw na mga ilog.

Bagamat nagbibigay ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ng access para sa teknolohiya at mga pagsasanay, nanatili itong limitado dahil sa malayo at liblib na lokasyon ng bayan.

Dahil sa kalagayang ito, nagkasundo ang DoST at MMSU na tulungan at abutin ang mga IPs sa pamamagitan ng tinatawag na Community Empowerment through Science and Technology (CEST) program, ang inisyatibo ng pamahalaan para sa mga mahihirap na komunidad at bayan sa rehiyon ng Ilocos.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kamakailan, kinilala ng National Statistical Coordination Board ang fifth class municipality ng Dumalneg bilang isa sa pinakamahihirap na bayan ng Ilocos Norte.

Upang maging pormal ang kasunduan, isang memorandum of agreement ang nilagdaan nina DOST Regional Director Armando Q. Ganal, MMSU president Shirley C. Agrupis, at Dumalneg Mayor Lairvee G. Espiritu sa Dumalneg nitong Pebrero 11.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Agrupis na malugod niyang tinatanggap ang pagsisikap bilang isang malaking hakbang sa pagbabahagi ng ‘expert services’ ng MMSU at DOST sa mga liblib na lugar ng Ilocos Norte.

“With the expertise of MMSU and other partners of the program, the delivery of extension services on areas such as food production, livelihood and skills trainings will be more effectively handled,” aniya.

Layunin ng CEST program na ipatupad ang mga social mobilization activities, bilang pagkilala sa kaugalian, kakayahan o talento, yaman at mga problema ng komunidad.

Hangad din nitong gamitin ang pagkakataon para sa ‘wealth-creation’ sa pamamagitan ng tamang technological interventions.

Apat na iba’t ibang aktibidad ang nakatakdang ipatupad sa ilalim ng nasabing programa: ang community organizing sa mga barangay; social mobilization activities; probisyon para sa science and technology (S&T) interventions na tutugon sa mga suliranin ng mga komunidad at ebalwasyon sa mga proyekto.

Bilang nakasaad sa kasunduan, ang DoST ang mamamahala sa pagpili at pagbili ng lahat ng mga kailangang kagamitan at pasilidad na gagamitin para sa CEST program.

Ang Unibersidad naman ang maglalaan ng mga dagdag na pondo para sa proyekto partikular para sa mga supplies, travel, representation, at accommodation.

Habang ang lokal na pamahalaan ng Dumalneg ay tutulong sa gastos sa pagdadala ng science and technology o S&T interventions sa komunidad.