STA CRUZ, Laguna—Pansamantalang isinara ang emergency room ng isang pribadong hospital dito matapos tumanggap ng pasyente na hinihinalang may Middle East Respiratory Syndrome (MERS), ngayong Miyerkules.

MERS

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Calabarzon spokesperson Glen Ramos na naka-temporary shutdown ang ER ng Laguna Doctor’s Hospital para sa ‘clean-up’ routine.

Gayunman, nilinaw ni Ramos na ito ay bahagi lamang ng panuntunan ng ospital na maglinis at mag-disinfect ng lugar matapos ipasok ang pasyente na pinaghihinalaang may sintomas ng nakahahawang sakit tulad ng MERS, bagamat hindi pa umano kumpirmado na positibo nga sa nasabing sakit ang pasyente.

Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51

Aniya, posibleng galing ng United Arab Emirates na ini-refer ng ospital sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City kung saan sasailalim sa ilang pagsusuri ang pasyente.

Kaugnay nito, umapela na ang opisyal sa publiko na iwasang magbahagi ng mga hindi balidong ulat upang maiwasan ang paglikha ng panic sa ibang mga pasyente na nasa ospital at mismong ang ahensya ang magkukumpirma ng ulat.