CHARLOTTE, N.C. (AP) – Tinanghal na bagong 3-point king si Joe Harris ng Brooklyn Nets sa All- Star Saturday night (Linggo sa Manila).
At nagawa niyang magtagumpay sa presensiya ni two-time MVP at one-time three-point champion Stephen Curry ng Golden State Warriors.
Naisalpak ni Harris ang 12 sunod na tira sa final round para maitumpok ang kabuuang 26 puntos. Sa harap ng nagbubunying hoem crowd, tinapatan ni Curry ang performance ni Harris sa naisalpak na siyam na sunod na tiora, subalit naisablay ang ikalawang huling money ball na nagdala sana sa shootout. Natapos si Curry na may 24 puntos.
Pangatlo si Buddy Hield ng Sacramento Kings na may 19 puntos.
Nanguna si Stephen Curry sa first round sa naiskor na 27 puntos mula sa posibleng iskor na 34. Pangalawa si Hield na may 26 puntos kasunod si Harris na may 25 para sa final contest.
Kabuuang 10 players ang sumali sa side event ng All-Star Weekend.
Naisalpak ni defending champion Devin Booker ng Phoenix Suns ang huling pitong tira ngunit napatalsik siya sa elimination kasama sina Danny Green (23 puntos). Simabak din sina Dirk Nowitzki ng Dallas at Damian Lillard ng Portland (17), Seth Curry (16), Kemba Walker (15) at Khris Middleton (11).