ABUT-ABOT ang pasasalamat ni Direk Carlo Enciso Catu sa lahat ng nakasama niya para mabuo ang pelikulang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (Waiting for Sunset) na nanalo ng Audience Choice Award sa Festival International des Cinemas d’Asie de Vesoul sa France.

Direk Carlo copy

Nanalo rin ang pelikulang African Violet ng Iran, na idinirek naman ni Mona Zandi Haghighi.

“Thank you to all who watched and voted our film to be this year’s Festival International des Cinemas d’Asie de Vesoul Audience Choice Award together with my personal favorite, African Violet. Your warmness fill my heart very much! #waitingforsunset #kungpaanohinihintayangdapithapon Cinemalaya Cineko Prod#cleverminds CMB Film Services, Inc.,” saad sa Facebook post ni Direk Carlo.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kasama ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon sa 2018 Cinemalaya, at napanalunan nito ang limang award, kabilang na ang Best Film. Ang nasabing pelikula ay produced ng Cineko Productions at Cleverminds.

Base sa kuwento sa amin ni Direk Carlo nang maka-chat namin siya nitong Miyerkules nang gabi, “darling of the crowd” ang mga Pinoy sa nasabing event.

“Dami kong kuwento, Ate Reggee. Medyo darling of the crowd tayo ro’n, ha, ha ha,” sabi ni Direk Carlo.

Imbitado rin sa Portugal Film Festival si Direk Carlo, pero sa hindi malamang dahilan ay hindi siya makakarating, instead ay didiretso siya sa Geneva hanggang sa Pebrero 19.

Dumalo rin si Menggie Cobarrubias, isa sa mga bida ng pelikula, sa Festival International des Cinemas d’Asie de Vesoul sa France.

Anyway, sinagot ni Film Development Council of the Philippine (FDCP) Chairperson Liza Diño ang plane tickets ni Direk Carlo, habang nagdagdag naman ang IdeaFirst Company nina Direk Jun Robles Lana at Direk Perci M. Intalan para gastusin ng direktor sa kanyang hotel expenses.

Base sa huling tsikahan namin ni Direk Carlo nang magkita kami sa Diana Stalder ay masaya niyang ikinuwento na paalis siya, at ito na ‘yung matagal niyang hinihintay. Gusto niya kasing iikot sa iba’t ibang international film festivals ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, na siya rin ang scriptwriter.

Pagbalik ng bansa ni Direk Carlo ay looking forward na siya sa project niya sa Dreamscape Digital, base na rin sa post niyang litrato na kasama niya ang business unit head nito na si Deo T. Endrinal, at si Liza ng FDCP.

-REGGEE BONOAN