Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

2:00 n.h. -- Ateneo-Cignal vs Go-for-Gold-College of St.Benilde

4:oo n.h. -- Marinerong Pilipino vs San Sebastian College-Valencia City

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

SISIMULAN na ang unang hakbang ng mga manlalarong nangangarap na makatuntong sa Philippine Basketball Association ang kanilang pagpapakitang-gilas ngayong hapon sa pagbubukas ng 2019 PBA D-League ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nakatakdang magsagupa sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon ang UAAP champion Ateneo-Cignal at defending champion Go For Gold-College of Saint Benilde na kapwa magkasama sa Aspirants Group.

Susundan ito ng tapatan ng Marinerong Pilipino at San Sebastian College-Valencia City na magka-bracket naman sa Foundation group ganap na 4:00 ng hapon.

Ito ang unang pagkakataon na sasabak ang reigning UAAP champion Blue Eagles sa D League.

Inaasahang mangunguna sa kanilang kampanya sina Thirdy Ravena at Isaac Go kasama ang kambal na sina Mike at Matt Nieto.

Sa kabilang dako, sasandigan ng Scratchers para pamunuan ang kanilang title defense sina Yankie Haruna, Carlo Young, Unique Naboa at Justine Gutang.

Sa tampok namang laro, magsisimula ang San Sebastian College ng kanilang kampanya na wala na ang ace forward na si Michael Calisaan na naglalaro na ngayon sa PBA sa pamumuno nina Allyn Bulanadi at RK Ilagan.

Para naman sa katunggali nilang Skippers, pamumunuan ito ng core ng Centro Escolar University at ng mga guest players na sina Santi Santillan ng La Salle ast Jed Mendoza ng Jose Rizal University.

Muli namang magkakasubukan ang kani-kanilang bench tacticians na sina Egay Macaraya ng Stags at Yong Garcia ng Skippers na dating magkasama bilang headcosch at chief deputy ng Scorpions sa mga nauna nilang D league stint.

-Marivic Awitan