Ang pangalang Mark “Tyson” Fairtex Abelardo ay naguumpisa pa lamang na makilala ng mga Filipino martial arts fans sa buong bansa. Umaasa siya na ang palayaw na “Tyson” ay mas makilala na isa sa Filipino warriors ng ONE Championship.

Makakatapat ni Aberlardo ang unbeaten bantamweight Daichi Takenaka  sa undercard ng ONE: CLASH OF LEGENDS na gaganapin sa Impact Arena, Bangkok, Thailand sa Sabado, Pebrero 16.

"I feel more than ready to finally showcase my skill on the global stage,” sabi ni Abelardo, na nakakuha ng kontrata sa ONE Championship matapos ang panalo niya sa ONE Warrior Series 3 noong Oktubre.

“This is what I worked and trained hard for all my life, and I will make sure to make the most out of this moment.”

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Pinanganak si Abelardo na may Pinoy na magulang sa Auckland, New Zealand at nakatira ngayon sa Pattaya, Thailand kung saan gumagawa siya ng pangalan bilang isang martial artist.

Kasalukuyang nasa 17-5 siya sa kanyang mixed martial arts career at nais makapag-iwan ng impresyon sa mga Pinoy na manonood sa kanya sa unang pagkakataon.

"I am based in Thailand, but I will be out to show the fans out there that I possess the Filipino fighting spirit that Pinoys are known for,” pahayag niya.

“I proudly represent the Philippines in ONE Championship.”

Ang kailangan lang niyang gawin ay mag-ensayo at mag-concentrate sa laban at kapag nagtagumpay siya ay siya ang magiging una na makatalo kay Takenaka.

"A difficult fight is what I hoped for. I feel that this is the kind of fight I needed in order to step up my level and go up the rankings in the bantamweight division. Fans will be in for a treat that evening,” sabi ni Abelardo.

"The goal is to win impressively, get my name out there, and represent the Philippine flag on a global stage."