NANANAWAGAN ang National Research Council of the Philippines (NRCP) sa Kongreso ng suporta sa replikasyon ng bioremediation technology, na idine-develop ng University of the Philippines (UP).

Nagtungo sa Kamara kamakailan ang mga kinatawan ng NRCP, kasama ng miyembrong si Nelly Aggangan na siyang lumikha ng technology, upang ipakita ang research project.

Ang Bioremediation ay pagtatanggal ng mga heavy metals at iba pang nakalalasong kemikal mula sa mga kontaminadong lugar.

“We wanted to convince them (legislators) that this bioremediation technology is important for the bills that they will make. We want it to be replicated by other government agencies, like the DENR (Department of Environment and Natural Resources) and other agencies involved in reforestation,” pagbabahagi ni NRCP Research Division chief, Rubie Raterta sa Philippine News Agency (PNA).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dagdag pa niya, tumutulong ang lokal na pamahalaan ng Mogpog, Marinduque, kay Aggangan sa kanyang pananaliksik na proyekto mula pa noong 2015, na tumatanggap sa teknolohiya.

Nakatuon ang proyekto sa pagsasaayos ng mga minahan o dumpsite ng mga dumi ng minahan.

Ipinaliwanag ni Aggangan na nagiging brown na ang mga mine tailings dahil sa kawalan ng mga halaman, na hindi nakatatagal sa mga acidic na lupa, walang nutrisyon, at naglalaman ng mga heavy metals tulad ng lead copper, cadmium, at zinc.

“Heavy metals are toxic to all living organisms,” aniya.

Nakabase sa Marinduque ang proyekto ni Aggangan, na inilarawan niyang isang lugar na napalilibutan ng iba’t ibang ecosystems, lamang dagat at komunidad.

Dahil dito, kinakailangan na mai-regreen ang mga minahan upang mapigilan na ma-expose ang mga komunidad sa mga nakalalasong metal.

“This technology will regreen the area, and also reduce exposure to cancer-causing metals,” pahayag ni Aggangan sa isang video presentation.

Pagbabahagi pa niya, nakalikha na ang BIOTECH sa UP Los Baños ng microbial biofertilizers na magbibigay ng nutrisyon at tubig sa mga halaman.

Nabanggit din niya na sa naging bahagi ng kanyang proyekto na magtanim ng mga tree seedlings, katulad ng narra at acacia. “After a year, there was an impressive growth recorded, with 95 percent survival for the treated seedlings,” aniya.

Samantala, ipinaliwanag ni Raterta na ito ang unang pagkakataon na humingi ng tulong sa Kongreso ang NRCP, na hangad ang kolaborasyon para sa mga proyekto.

“Dr. Aggangan’s project started in 2015, and we had to wait for those seedlings to grow and see the results. The local government of Marinduque provided her the space for that project. It was an area that was abandoned for 30 years,” aniya.

PNA