“OO naman, of course actually mas mahilig ako sa simpleng babae ayoko sa maaarteng babae, gusto ko ‘yung maski saan puwede mong isama for example kain kayo ng street food game siya, kung gusto niya ng sosyal dadalhin ko siya, gusto ko na she can go both ways,” ito ang sagot sa amin ni Marco Gumabao sa tanong namin na kung posible ba siyang magkagusto sa babaeng simple lang.

Mayaman at techie kasi ang karakter ni Marco at si Krystal Reyes ang apple of the eye niya sa digital film na APPle of the Eye, na idinirek ni James Mayo, mula sa Dreamscape Digital at mapapanood ito sa IWant sa Pebrero 14.

Tulad ni Krystal ay naka-relate rin si Marco sa karakter niya, “because it really happens, ‘yung ganitong klaseng love, it really happens. Isang mayaman at middle class. They fell in love with each other na parang hindi bagay kasi hindi kayo from same the world pero ito pa ‘yung klase ng love na nakakakilig at mas totoo. Kaya itong story ni Apple at Michael, very simple but it’s real. Doon kayo matutuwa kasi maraming taong makaka-relate at makaka-connect.”

Hirit ulit namin kay Marco, umamin si Krystal na kinikilig sa kanya, “wow, thank you, ngayon ko lang nalaman ‘yun, ha, ha, ha,” masayang sagot ng aktor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nang makita ni Krystal ang abs ni Marco ay talagang kinilig nang husto ang dalaga kasi nga probinsyana, kaya ganu’n ang reaksyon.

“First time kong maka-trabaho si Krystal, it was fun, pareho kaming mahiyain pero nu’ng nagsimula na kaming mag-taping, naging comfortable na kami,” saad ng binata.

Naramdaman ba ni Marco na nagka-crush sa kanya si Krystal?

“Hindi naman, hindi lang kasi ako assuming. Baka kasi ‘pag nag-assume ka, baka ikaw pa ‘yung talo, baka isipin makapal pa ‘yung face ko,” tumawang sabi ng aktor.

Probinsyana si Krystal pero hindi naman sa probinsya ang location ng APPle of my Eye. “It was shot in seven days pero masaya ‘yung set namin. At sa Quezon City lang lahat,” kuwento ni Marco.

Nagpapasalamat ang binata sa rami ng blessings niya ngayon dahil bukod sa first time siyang mapapanood sa digital platform ay may TV series siyang Los Bastardos at pelikulang gagawin kasama si Anne Curtis mula sa Viva Films.

Ideal boyfriend si Marco pero single siya sa mahabang panahon at choice niya raw ito dahil ang trabaho ang prioridad niya ngayon. Kaya sa Valentine’s Day ay, “work lang ako, taping. Walang oras, walang free day kasi nagte-taping ako ng ‘Los Bastardos’ ng Tuesday, Thursday at Saturday, tapos nag-start na rin kami sa movie with Anne, sobrang kinakabahan ako sa movie kaya ang focus ko talaga nasa work.

“Well, I’m single if mayroon akong oras, meron naman akong mayayaya (lumabas), Valentine’s it doesn’t have to be with someone you’re with, it can be with your friend, it can be with your mom. E, ako, okay naman ako sa mom ko,” saad ng binata.

Wala ba siyang ka-exclusively dating?

“Wala pa naman. Ayokong gumawa ng ikakasama ng career ko o ikababagsak. Focus muna sa career, do every project and one project at a time,” saad ni Marco.

Dagdag pa niya, “that’s why I’m also preparing mayself health wise, sana huwag akong magkasakit. Buhay ko lang naman, work out, bahay at trabaho. ‘Yun lang naman ang buhay ko.”

Nagbago nga ang aura ngayon ni Marco dahil siguro hindi na siya mahilig gumimik.

“Talaga, I don’t see myself the way other people see me kasi I don’t see myself physically from afar. Siguro I’m more focus now, I’m more inspired now to do good ‘coz I’m not getting any younger.

“Siguro before nang mag start ako sa showbiz, teenager pa ako, hindi pa nagsi-sink in sa akin na ‘huy ito na ‘yung trabaho mo!’ Ang tagal bago nag-mature ng thinking ko. Before kasi puma-party ako, may trabaho ako the next day, okay lang kaya kong gumising, puyat ako, okay lang kaya ko ‘yan.

“But now tumatanda tayo, I realize na hindi na biro o katuwaan lang, so sabi ko sa sarili, I’ll take my project seriously and ‘yung health ko,” kuwento ng aktor.

Nagpapasalamat din si Marco sa mga producer at direktor na kumukuha sa kanya dahil naniniwala silang kaya niyang gampanan ang mga karakter, mapa-sexy man, drama o anumang genre.

“Ito naman talaga ang gusto ko, ayokong makilala sa puro abs lang, gusto kong makilala as a good actor, marunong makisama sa mga tao, do your job well, hindi ka nakakaabala sa set or sa producers. Always come with your best,” saad ng aktor.

-Reggee Bonoan