AFTER ng walong taong relasyon ni Jackie Rice, ngayon ay two years na siyang walang boyfriend.

Jackie

Wala namang problema kay Jackie dahil lagi siyang may work. Kailan lang natapos ang last afternoon teleserye niyang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na tumagal nang three seasons.

Ngayon ay may bago siyang serye sa primetime block ng GMA 7, ang TODA One I Love, a political romantic-comedy series na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

Kontrabida ba siyang muli sa bago niyang serye?

“Hindi ko alam kung mabait ba ako rito, dahil galit ako kay Gelay (Kylie), gusto ko kasi si Emong (Ruru), na kay Gelay naman may gusto,” sagot ni Jackie.

“Pero masaya ako dahil romcom, naiba naman sa mga dati kong drama series na masama ako.”

Bakit two years na siyang walang boyfriend? Wala ba siyang makitang ipapalit sa kanyang ex?

Friends pa rin daw naman sila ng dating boyfriend, at mas nakabuti pa nga raw iyon sa relasyon nila ngayon. Happy na raw ngayon ang dating BF niya, at happy rin siya na mag-isa.

Wala bang nanligaw sa kanya?

“Meron, pero dahil sa tagal ng relasyon namin ng boyfriend ko, may comparison na. Ayaw ko namang pahirapan sila tapos hindi ko naman sila gusto.

“Mas gusto ko namang magka-baby pero ayaw ko ng boyfriend. Ayoko ko ng asawa, gusto ko lang magpalahi, charot,” biro ni Jackie.

“Ayaw ko nang magpakasal. Hindi kasi ako naniniwala sa kasal. Kaya sa eight years namin ng boyfriend ko, hindi niya ako binigyan ng singsing.

“Gusto ko, just in case na ikasal ako, ‘yung may mga anak na ako. Matanda na ako. Gusto ko sila ang abay ko sa kasal, ‘yung ganun.

“’Yung true love na talaga ang natagpuan, hindi iyong magpapakasal ako dahil nagpakasal na ang mga kasabay ko sa showbiz.”

Bakit ganoon ang pananaw niya sa kasal?

“Siguro dahil half American, half Filipino ako. Doon (Amerika) ko nakikita iyong divorce-divorce. Dito sa Pilipinas, mahirap ang divorce,” sagot ni Jackie.

Ang TODA One I Love ay mula sa GMA News & Public Affairs at idinidirek nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka. Napapanood ito gabi-gabi after ng Onanay.

-NORA V. CALDERON