Natusta ang bangkay ng dalawang Indian na piloto at estudyanteng piloto ng isang eroplano nang matagpuan ang mga ito sa crash site sa Malapad na Bato, Gasak Malamig, Barangay Mabiga, Hermosa sa Bataan, kahapon.

PLANE CRASH

Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAA) at sinabing hindi na makilala ang bangkay nina Capt. Navern Nagaraja (instructor) at Kuldeep Singh (student pilot) nang makuha ang mga ito sa kagubatan, apat na araw nang maiulat na nawawala ang sinasakyan nilang two-seater Cessna C152 training aircraft plane.

Matatandaang umalis sa Plaridel airport ang eroplano, nitong Lunes, dakong 7:20 ng umaga at lumapag sa Subic airport, dakong 7:51 ng umaga.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Hindi na nakabalik sa Plaridel airport ang eroplano, sa inaasahang paglapag nito, dakong 8:14 ng umaga.

Sinabi naman ng Fliteline Aviation School, ang nangangasiwa sa operasyon ng eroplano, agad silang nagsagawa ng search and rescue operations sa bisinidad ng Mt. Sta. Rita sa Bataan na kinatagpuan ng bangkay ng dalawa.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) upang madetermina ang posibleng sanhi ng insidente.

-Ariel Fernandez