NAG-POST si Derek Ramsay na “Still stuck in bed but the pain is much less now. Tnx for all the prayers guys, I’ll be back on my feet in no time.”

Derek copy

May nagtanong tuloy kung ano ang nangyari sa kanya ang sagot niya, “bulging disc bro L1 and L5.”

Matatandaang nakunan ng picture si Derek habang nasa wheelchair at nasa ER ng isang hospital. Nabasa rin ang comment ng girlfriend ni Derek na si Joanne Villablanca na mag-iingat ang aktor. Kaso, napaka-active ni Derek sa sports at pustahan, kapag magaling na siya, balik agad siya sa sports.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, may nagbiro na dahil sa medical condition ni Derek ay lalong matatagalan ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA Network. Uunahin niya dapat ang magpagaling bago ang trabaho.

Anyway, kinumus t a namin sa isang taga-Kapuso network kung kailan pipirma ng kontrata sa kanila si Derek. Ang sagot, may inaayos pa sa kontrata at hindi na nag-elaborate.

Comment tuloy ng isang reporter na nakarinig sa tanong namin, sobrang mabusisi si Derek at ang management nito sa pipirmahang kontrata sa Kapuso network. Last year pa kasi ang negosasyon at hanggang ngayon, wala pa ring pirmahang nagaganap.

-NITZ MIRALLES