HINDI nawawala ang fencing sa SEAG events sa mganakalipas na edisyon kung kaya’t determinado si coach Rolando Canlas, Jr. na mangibabaw ang Pinoy sa paglarga ng ika-30 Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre.

At para masiguro na yaong pinakamatitikas na fencer ang ilalaban ng bansa, sinabi ni Canlas na magsasagawa siya ng qualifying tournament para mabuo ang National Team.

“Back to zero talaga. So kahit gold medallist ka pa nung nakaraang SEA Games, kailangan mo pa ring dumaan dito sa competition. Patunayan mo na talagang deserving ka kasi iba yung nakaraan,” pahayag ni Canlas to Manila Bulletin On-line Sports.

“Iba yung ngayon. Ngayon, host ang Pilipinas kaya mas matindi yung preparation na gagawin talaga. Kailangan di kami magkamali sa selection process,” aniya.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ayon kay Canlas, bronze medalist sa 2007 SEA Games sa Men’s foil, isasagawa ang special meet sa Feb. 17, 24 at Mar. 3 kung saan makikipagtagisan ng husay angmga locals laban sa Filipino-Americans na pawang naghahangad ng slots sa sa 24-member National team na ilalaban sa SEA Games.

“This coming Feb. 17, 24, and Mar. 3, magkakaroon kami ng SEA Games selection. Talagang pinagtabi-tabi yung mga date na yon kasi nag-invite kami ng mga Fil-Am. In-open namin sa mga foreign Filipino para mag-try sila. Kung makapasok sila, ise-select namin sila. Maglalaro sila sa SEA Games. Ire-represent nila yung national team,” pahayag ni Canlas.

Malaki ang tsansa ng Pilipinas na makuha ang overall title kung magdedeliver ang fencing na may nakatayang 12 events. Ayon kay Canlas, hinahanap niya ang 12 lalaki at 12 na babane para sa National Team.

Bukod sa SEA Games, nakatuon ang pansin ni Canlas sa paglahok sa torneo sa Jordan, Poland, Tokyo at Hungary bilang bahagi ng kanilang pagsasanay. Nakatakda rin silang sumalao sa training camp sa Beijing.

“Hindi naman kasi nag-usap kami bago to gawin. So nag-usap kami ng mga sports conditioning, sports psychologist, nakaplano talaga to. Hindi to basta-basta,” aniya.

“Ang promise namin dito ay makakuha kami ng 6 golds, 5 silvers and 2 bronzes. Last time promise ko na magme-medal kami which is nagawa naman namin. Tama yung ginagawa, tama yung training program. So this time, more medals ang promise ko dito,” ayon kay Canlas

-BRIAN YALUNG