TAGUM CITY – Pambato ng General Santos City ang pakitang gilas sa nakopong tatlong gintong medalya sa ikalawang araw ng aksiyon sa 2019 Batang Pinoy Mindanao leg sa Davao del Norte Sports Complex dito.

Aksiyon sa girl’s volleyball

Aksiyon sa girl’s volleyball

Pinasadahan agad ni National Junior Pool member Paul Anthony Rodriguez ang kampanya ng lungsod at hometown ni boxing icon Manny Pacquiao sa magkakasunod na panalo sa junior pair , junior team at individual junior poomsae event ng taekwondo.

Puspusan man ang ensayo para paghandaan ang laban, ikinabigla pa rin ng 13-anyos na si Rodriguez ang nakamit na tagumpay sa grassroots sports program ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Surprised po, hindi ko inakala na kakayanin ko ang manalo ng tatlong event. Basta po ensayo lang ako,” pahayag ng Grade 7 student ng Holy Trinity College ng General Santos City. “Six times a week po kung mag ensayo kami,” aniya.

Gayunman, nasa radar na ng Philippine Taekwondo Association (PTA) si Rodriguez matapos maguwi ng dalawang ginto sa National Finals sa nakalipas na taon sa Baguio City.

Naging inspirasyon ni Rodriguez ang kanyang mga kapatid na aniya ay hinubog din ng disiplina ng taekwondo, at plano niyang ipagpatuloy ang kanyang paglalaro sa nasabing sports upang makasabak sa international meet.

“Pangarap ko po na makapaglaro sa ibang bansa balang araw, at mai represent ang country natin,” aniya.

Samantala, muling nanalasa ang ang pambato ng South Cotabato sa archery matapos na kunin ni Grace Signacion ang kalawang ginto nang madomina ang Yeoman individual girls Olympic round. Sa opening day, nagwagi siya sa Yeoman 72 round.

Bumuntot kay Signacion ang pambato ng City of Koronadal na si Samantha Isabel Lorieno para sa silver habang bronze naman ang naiuwi isa pang pambato ng South Cotabato na si Krizleyn Hope Ferrer.

Dalawang ginto rin ang nakuha ng tambalan nina Jan Ryl Gabatilla at Kathleen Mae Catapan ng Panabo City sa Dancesports matapos silang magwagi sa Juvenile C Standard at Junior A standard event.

Sa chess, dinomina ng pambato ng GenSan ang Rapid Boys 12-under at Rapid Boys 13-15 nang pagharian nina Clint Calvin Atoc at Hein Angelito Aparte.

Sa Rapid girls 13-15 ay nakuha naman ni Aliyah Rae Lumangtad ng host City Davao del Norte,habang si Ruelle Canino ng Cagayan de Oro City naman ang siyang nakapag-uwi ng ginto sa Rapid girls 12.

Ang siyam na araw na kompetisyon ang sentro ng grassroots sports program ng Philippine Sports Commission at suportado STI at ALfalink Total Solutions. AnnieAbad

-ANNIE ABAD