COTABATO CITY – Sumuko na sa gobyernon ang walong umano’y kaanib ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dahil na rin sa pinaigting na operasyon ng militar laban sa mga ito sa Mindanao.
Inihayag ni Major Arvin Encinas, hepoe ng Public Affairs Office ng 6th Infantry Division (ID), anumang oras mula ngayon ay ihaharap ang mga ito sa mga mamamahayag sa 6th ID headquarters sa Awang, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.
Ang nasabing grupo aniya ay pinamunuan ni Gani Saligan, sub-commander ni Ustaz Karialan, isa sa mga lider ng BIFF.
Ipinasya aniya ng grupo ni Saligan na sumuko matapos simulang bombahin ng mga sundalo ang Sitio Tatak sa Bgy. Tugal, Sultan-sa-Barongis na pinagkukutaan ng grupo ng BIFF leader na si Abu Toraife kung saan nakapuwesto ang 20 bunker ng mga ito.
Ipinahayag pa ni Encinas na tumakas na ang mga tauhan ni Toraife dahil na rin sa serye ng pambobomba sa kanilang pinagkukutaan.
Matatandaang aabot sa limang sundalo at tatlong tauhan ng nasabing Islamist militant organization.
Ali G. Macabalang