NANGIBABAW ang ArkAngel team na binubuo nina Mark Christian Dedal, Christian Estrella, Dan Noya, at Kirk Robin Amable sa PlayerUnknown Battleground (PUBG) Philippine Finals ng Predator League nitong Linggo sa Glorietta 2 Activity Center sa Makati City.
Nakopo ng ArkAngel ang kabuuang 168 puntos sa kabuuan ng 12 round match para maungusan ang Vortex Farm (128 points) – Mark Chin, Mark Nerosa, Christian Prajes, at Kanakann Namia, gayundin ang NCGC Vortex (103 points) – Jessie Jude Aparece, Jellicoe Piloto, Resmark Wating, at Christopher John Canete
Naiuwi ng grupo ang premyong P120,000 at ang karapatan na katawanin ang bansa sa PUBG Pan Asia Pacific championship Predator League Finals sa Thailand sa Pebrero 15-17 sa Bangkok, Thailand. Nakataya ang kabuuang US$400,000 sa torneo.
Matapos maging demo sports sa Rio Olympics noong 2016, regular na sports event ang e-Sports sa Southeast Asian Games, at Olympics.
Kabuuang 16 koponan ang sumabak sa torneo, bahagi ng sumisikat na international e-Sports Game, kabilang ang Team No Future, Miraculum, TNC, ArkAngel, Anonymous Ilonggos, Nirvana, Vulture Gaming, Mistah, DPT, AdMiral, Ronin, 5peaks, Patriots, Vortexfarm, NCGC Vortex, at Bosons.
Batay sa regulasyon, ang koponan na may pinakamataas na puntos sa kabuuang 12 round match ang tatanghaling kampeon sa P200,000 pool meet.
Sa pagkakadagdag ng PUBG sa ikalawang taon, ang Predator League ay isa sa pinakamalaking eSports tournaments sa mundo. Pili ang mga kalahok mula sa 13 bansa na naghahangad na mapabilang sa Philippione Team npara maitala ang pinakamatikas na eSports sa bansa.
Kompleto ang linya para sa laro ng Predator anuman ang gamit na gadgets tulad ng desktops, at monitors, gayundin ang mga bagong teknolohiya para mas mapalawak ang pagkakataon na makapaglaro tangan ang latest technologies, enhancingthe eSports community’.
“Predator’s support for this tournament reinforces the brand’s commitment to the gaming industry in the Philippines and in the region. We are very happy to share the opportunity to show the world how exceptional our homegrown gamers are, not only in DOTA2 but also in PUBG,” pahayag ni Sue Ong-Lim, pangulo ng Predator Philippines Sales and Marketing Director.
Para sa komportableng paglalaro, inilunsad din ng organizers ang bagong Predator Thronos Gaming Chair.
Ang Predator Thronos na ginawa depende sa nais na porma ng gamers.. Ang CPU nito ay interchangeable para sa S-610 RGB, PO9-500 RGB at P09-900 RGB. Ang monitor nito ay Nitro XV272U P, Nitro XV273K P at Predator XB273K.
-Edwin Rollon