MAGHANDA para sa pagsabak sa 7-Eleven Run Series na paiigtingin ang aksiyon sa paglarga ng magkakasabay sa Luzon, Visayas at Mindanao sa Pebrero 3.

KINATAWAN ni Cristabel Martes (kanan) ang 7-Eleven Team Philippines sa Korean International Marathon bilang kampeon sa torneo sa nakalipas na edisyon.

KINATAWAN ni Cristabel Martes (kanan) ang 7-Eleven Team Philippines sa Korean International Marathon bilang kampeon sa torneo sa nakalipas na edisyon.

Target ng organizers na malagpasan ang 25,000 runners na lumahok sa nakalipas na edition, sa mas pinalaking programa na gaganapin ng sabay-sabay sa tatlong prominenteng lugar sa bansa. Bukod sa aksiyon at kasiyahan, may pagkakataon ang mga kalahok na maging kinatawan ng bansa sa International Asian marathon at makapag-uwi ng P500,000.00.

Ilalarga ang karera sa Luzon sa Filinvest City, Alabang, habang ang Visayas leg ay gaganapin sa Cebu Business Park, at ang Mindanao leg ay sisikad sa SM City Davao.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Ngayong edisyon, may bagong distance category na mapagpipilian tulad ng 32K class. Sa mga bata, naghihintay namana ng 500 meter run, 10K buddy category, at ang 42K full marathon para sa elite runners.

May 10 kategorya ang karera sa Manila at Cebu tulad ng 500M kids, 3K, 5K, 5K Buddy, 10K, 10K Buddy, 16K, 21K, 32K at 42K.

Siyam na race naman sa Davao maliban sa 500m.

“The 7-Eleven Run Series is one of the most anticipated marathons in our country today,” pahayag ni Jose Victor Paterno, President and CEO of Philippine Seven Corporation.

“We listened to our runners and added new distances like the 32K which will serve as an entry point or trial run for 42K.”

Aniya, may nakalaang premyp atmedalya para sa top 18 Filipino winners sa 21K, 32K, at 42K, kaakibat ang pagkakataon na maipadala sa international marathon sa Asia. Sa nakalipas na taon, ang nagwagi sa 21K at 42K races ay ipinadala sa Jeju, South Korea para sumabak sa 23rd Jeju International Tourism Marathon Festival.

Para higit na maging inspirado ang mga runners, naglaan ang 7-Eleven ng P500,000 cash para sa makakabura sa Philippine record sa 42K class.

Ang 7-Eleven Run 2019 ay itinataguyod din ng Filinvest Alabang, Cebu Business Park, SM City Davao and our official timer, Soleus and L Studio. The event is also brought to you by Selecta, Cornetto, Nature’s Spring, Summit, Gatorade, Del Monte, Pocari Sweat, Refresh, Kopiko78, San Miguel Beer, Fit n’ Right, Aquafina, Pepsi, Nova, Evian, Le Minerale, Sip, Safeguard, C2, MoguMogu, at Magnolia.