Mga Laro Bukas

(Filoil Flying V Centre)

9:00 n.u. -- UE vs FEU (Jrs)

11:00 n.u. -- AdU vs UST (Jrs)

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

1:00 n.h. -- Ateneo vs UPIS (Jrs)

3:00 n.h. -- DLSZ vs NU (Jrs)

NAGPOSTE ng 29 puntos si Gerry Abadiano para pamunuan ang National University sa paglapit sa inaasam na Final Four berth sa pamamagitan ng 112-71 paggapi sa Adamson University nitong Linggo sa UAAP Season 81 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Nagdagdag naman ng 23 puntos si Terrence Fortea , 11 dito ang isinalansan niya sa third period upang tulungan ang Bullpups na makabawi sa 59-62 pagkatalo sa Baby Falcons sa first round na nag-angat sa kanila sa markang 9-.

“Maganda yung intensity namin. Di na sila (Adamson University) nakaabante from start to finish. [Revenge is] not on our mind,” pahayag ni NU coach Goldwin Monteverde.

Sa iba pang laban, nagtala si Kai Sotto ng 27 puntos, 22 rebounds at 2 blocks upang pamunuan ang defending champion Ateneo sa 77-61 panalo kontra Far Eastern University upang makasalo ng huli sa ikalawang puwesto taglay ang markang 7-3.

Tumapos naman si Carl Tamayo na may double-double 14 puntos at 12 rebounds para sa Bullpups.

Namuno naman ang magkapatid na sina Adam at Andrey Doria na umiskor ng 24 at 10 puntos para sa Baby Falcons na bumagsak sa solong ika-4 na puwesto taglay ang 6-4 marka.

Itinala naman ni rookie Mark Nonoy ang kanyang third triple-double ngayong season na kinapapalooban ng 30 puntos, 15 rebounds at 10 assists upang tulungang iangat ang University of Santo Tomas sa patas na barahang 5-5 matapos ang 80-65 na tagumpay laban sa University of the Philippines Integrated School.

Samantala, nakamit ng De La Salle-Zobel ang pang-apat na panalo matapos ang sampung laro pagkaraang mamayani kontra University of the East, 70-66.

-Marivic Awitan