Sa edad na 40, patutunayan ni Manny Pacquiao na malupit pa rin ang kanyang mga kamao.

DEDEPENSAHAN Kumpiyansa ang pagkakangiti ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao matapos ang weigh-in nila ni Adrien Broner sa Las Vegas, Nevada sa Amerika nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas). Tututukan ng mga Pilipino ang pagdepensa ni Pacquaio sa kanyang welterweight championship title bukas, Linggo ng umaga, oras sa Pilipinas. AP/JOHN LOCHER

DEDEPENSAHAN Kumpiyansa ang pagkakangiti ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao matapos ang weigh-in nila ni Adrien Broner sa Las Vegas, Nevada sa Amerika nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas). Tututukan ng mga Pilipino ang pagdepensa ni Pacquaio sa kanyang welterweight championship title bukas, Linggo ng umaga, oras sa Pilipinas. AP/JOHN LOCHER

Itataya ng eight-division world champion ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight title sa mapanganib at madaldal na si Adrien Broner ngayong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang unang “special” na laban sa Amerika ni Pacquiao kasunod ng “Fight of the Century” kontra sa undefeated champion na si Floyd Mayweather, Jr. noong 2015.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

At kung itatakda ng tadhana, magaganap ang huling laban ng fighting senator sa rematch kay Mayweather.

Mismong si Pacquiao ang nagsabi na ang panalo kay Broner ay tiyak na lilikha ng daan para sa muling pakikipagtuos niya sa tinaguriang “The Money”, lalo na at dikit siya ngayon sa Al Haymon’s Premier Boxing Champions, ang promotional outfit na nangangalaga sa career ni Mayweather.

Ngunit ang pagtuntong sa 146 lbs ay isang malaking isyu sa boxer na tulad ni Pacman, lalo na dahil 40-anyos na ang Pambansang Kamao.

“Age is just a number. It doesn’t bother me that I am 40 years old because I still feel young,” pahayag ni Pacquiao matapos ang weigh-in nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas), na dinumog ng malaking crowd.

“Tomorrow I have something to prove – that at the age of 40, I can still give my still there,” aniya. Tangan ni Pacquiao ang marking 69-7-2, tampok ang 39 KOs.

Matapos ang weigh-in, kaagad na sinagupa ni Pacman ang pagkain na binubuo ng kanin, karne ng baka, isda at nilagang itlog.

Kasama niya sa masayang tanghalian sina dating Ilocos Gov. Chavit Singson at dating Bureau of Corrections Chief Ronald Dela Rosa, nagtaas ng WBA belt ni Pacquiao sa weigh-in.

Tulad ni Pacman, pasok din sa timbang na 146.5 lbs. ang 29-anyos na si Broner, tangan ang 33-3-1 marka, tampok ang 23 KOs.

Bukas ay aahitin ni Broner ang makapal niyang balbas, matapos itong ipag-utos ng Nevada State Athletic Commission, batay sa reklamo ng trainer na si Freddie Roach.

“This is a hell of an opportunity. I’m not just doing this for me. I’m doing this for the hood. After I win tomorrow night, I’ll be a legend overnight. I just have to do me. You’ll see tomorrow night,” sambit ni Broner.

Garantisadong tatanggap si Broner ng $2.5 million bukod pa sa porsiyento sa PPV, habang $20 million naman ang ibubulsa ni Pacquiao.

Ang beteranong referee na si Russell Mora ng Las Vegas ang papagitna sa laban, habang sina Tim Cheatman at Dave Moretti ng Las Vegas, at Glenn Feldman ng Connecticut ang mga hurado.

Nick Giongco