Dahil sa personal na pangangampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes para sa pag-apruba sa Bangsamoro Organic Law (BOL), maraming duda sa bagong batas ang nakumbinse.

PARA SA BOL Nag-selfie si Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Biyernes, kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, Jr., National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., Cabinet Secretary Karlo Nograles, at ang mga bisita sa Peace Assembly for the Ratification of Republic Act No. 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL), sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City.

PARA SA BOL Nag-selfie si Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Biyernes, kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, Jr., National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., Cabinet Secretary Karlo Nograles, at ang mga bisita sa Peace Assembly for the Ratification of Republic Act No. 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL), sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City.

Ito ang naging reaksiyon ng mga lokal na opisyal at mga karaniwang mamamayan na kinapanayam ng BALITA makaraang magtungo si Duterte, kasama ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete sa 32-ektaryang compound sa siyudad ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“The physical presence of the President has certainly boosted the campaign for BOL ratification. There is going to be change of hearts among dissenters and skeptics,” sabi ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu, tinukoy ang mga lokal na pulitikong mariing tumututol sa pagsasailalim sa kani-kanilang lugar sa bagong regional autonomy kapalit ng ARMM.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa Maguindanao at sa iba pang ARMM component areas kung saan suportado ang ratipikasyon ng BOL “supportive quarters have now become more ecstatic” sa personal na pagbisita ni Duterte at sa “empathic” nitong mensahe, ayon kay Mangudadatu.

Para kay ARMM Gov. Mujiv Hataman, ang presensiya ng mismong Pangulo ng bansa “would sway thousands or more people to vote yes” sa plebisito sa Lunes, Enero 21, at sa Pebrero 6 para sa BOL o RA 11054.

Matatandaang tinanggihan ng mga botante sa Cotabato City, ang “temporary seat” ng ARMM sa nakalipas na 29 na taon, at ng Isabela City, kabisera ng Basilan, na masaklaw ito ng regional autonomy sa mga plebisito noong 1989 at 2001 para sa paglikha at pagpapalawak sa ARMM, ayon sa pagkakasunod.

Sa kanyang mensahe nitong Biyernes ng gabi, hinimok ni Duterte ang mamamayan ng ARMM, Cotabato City, at Isabela City na bumoto ng “yes” sa Lunes at “use the plebiscite as a peaceful means to finally correct the historical injustice committed against the Bangsamoro people.”

Nagbiro pa ang Presidente sa mga hindi boboto pabor sa BOL: “'Pag hindi (kayo bumoto ng yes), 'di ako magpunta dito kailanman,” aniya sa mga taga-Cotabato City.

Nangunguna si Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi sa mga nangangampanya laban sa BOL at sa pagkakasama ng siyudad sa papalit sa ARMM.

Ali G. Macabalang