MELBOURNE, Australia (AP) — Walang tulugan sa Australian Open.

ITINAPON ni Garbine Muguruza ng Spain ang towel sa crowd na nagtiyagang manood sa laban nila ni Johanna Konta ng Britain na umabot ng 3:00 ng madaling araw sa second round match ng Australian Open tennis championships sa Melbourne, Australia nitong Huwebes (Biyernes sa Manila). (AP)

ITINAPON ni Garbine Muguruza ng Spain ang towel sa crowd na nagtiyagang manood sa laban nila ni Johanna Konta ng Britain na umabot ng 3:00 ng madaling araw sa second round match ng Australian Open tennis championships sa Melbourne, Australia nitong Huwebes (Biyernes sa Manila). (AP)

Umabot ng 3:12 ng madaling araw nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang dikdikang duwelo sa pagintan nina Garbine Muguruza ang British star Johanna Konta sa second round match ng Australian Open na pinagwagihan ng Spanish sensation, 6-4, 6-7 (3), 7-5.

“Not ideal. Not ideal for anyone. I don’t think it’s ideal for anyone to do any physical activity when it’s bedtime,” pabirong pahayag ni Konta. “Both of us were in the same boat, so both of us had to deal with the same challenge.”

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagsimula ang laro ganap na 12:30 ng madaling araw at mangilan-gilan na lamang ang matiyagang umantabay sa laban sa 7, 500-capacity Margaret Court Arena.

Ilang fans ang hindi na napigilan umidlip sa gitna nang maaksiyong laban.

“I seriously can’t believe there’s people watching us at 3:15,” sambit ng two-time major champion na si Muguruza sa on-court interview. “Like, who cares?” aniya.

Nabalam ang second-round match bunsod nang mahahabang laro na naganap kabilang ang three-set na panalo ni Venus Williams at five-set match sa men’s division.

Ayon sa Australian Open spokeswoman, binigyan nila sina Muruguzu at Konta ng opsyon na gawin ang laro sa Court 3, ngunit, nagdesisyon ang dalawa na maghintay sa Margaret Court Arena na may bubong bunsod ng posibleng pag-ulan batay sa weather forecast.

“It was actually a very good match,” pahayag ni Konta. “It’s unfortunate more people couldn’t enjoy it during the day.”

Sunod na makakaharap ni Muguruza si Swiss Miss Timea Bacsinszky.

Nagdiwang naman ang crowd sa panalo ni local favorite Ashleigh Barty, unang player na nakapasok sa fourth round, matapos ang 7-5, 6-1 panalo kontra Maria Sakkari.

Ilang ulit na nilapatan ng lunas ang tila ‘stomach muscle ailment’ ni Barty sa pagtatapos ng first set, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang dominasyon sa loob ng 82 minuto.

Mapapalaban si Barty sa mananalo sa laronina five-time major champion Maria Sharapova at defending champion Caroline Wozniacki.

Nakalusot din si Simona Halep sa dikdikang duwelo kontra sa 20-anyos na si American Sofia Kenin, 6-3, 6-7 (5), 6-4.

“Well, I have no idea how I won this tonight,” sambit ni alep, ang reigning French Open champion. “It’s so tough to explain what happened on court.”