SEAG Chef de Mission, aprubado ang National Open tryouts sa swimming

SUPORTADO ni Monsour del Rosario, Team Philippines Chef de Mission sa 30th Southeast Asian Games, ang layuning pagkakaisa sa swimming community upang masiguro ang pagbuo ng dekalidad na koponan na isasabak sa biennial meet na ilalarga sa bansa sa ikaapat na pagkakataon sa Nobyembre.

MONSOUR: Panahon na para magkaisa sa swimming

MONSOUR: Panahon na para magkaisa sa
swimming

Ayon kay del Rosario, napapanahon na para isantabi ang labis na pagsamba sa kapangyarihan at bigyan nang pagkakataon ang pagkakaisa at pagdadamayan para masigurong tanging ‘deserving swimmers’ ang mapabilang sa National Team.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

‘I agreed and support the program of my fellow Olympian Eric Buhain and swimming coach Master Pinky Brosas. I think ito ang tamang panahon na isantabi yang liderato, yang kapangyarihan at pagiging makasarili, Isipin natin ang kapakanan ng bansa at sa pagkakaisa makatitiyak tayo na magtatagumpay tayo sa Sea Games,” pahayag ni del Rosario, miyembro ng Olympic team tulad ni Buhain sa 1988 Seoul Olympics.

“As Chef de Mission of the team Philippines, ang layunin ko ay makabuo tayo ng kompetitibong koponan na may kakayahang manalo ng gold medal. At least mapantayan natin o hindi man malagpasan yung medal output natin sa nakalipas na 2005 SEAG hosting kung saan overall champion tayo,” sambit ni del Rosario, Congressman sa First District ng Makati City.

Bukod sa athletics, ang swimming ang sports na may maraming medalyang nakataya sa international multi-sports event.

“In Manila SEAG this year, 60 events ang nakataya sa swimming. If only we can win half of this, sure win tayo sa overall championship. Kaya kalimutan muna natin yang liderato, tama ang kasama nating si Eric (Buhain) na magkaisa tayo at hayaang makuha ang mga tunay na magagaling na swimmers, hindi yung turuan lang,” pahayag ni del Rosario.

N i t o n g H u w e b e s , ipinahayag ni Buhain at ni coach Brosas ang desisyon ng Philippine Swimming Inc. na pinamumunuan ng Olympain ding si Ral Rosario na magsagawa ng National Open try-outs sa Marso upang makabuo ng malakas na National Team.

“Makikita natin ang pinakamahuhusay kung maglalaban-laban ang lahat sa isang National tryouts. Walang club interest dito, lahat puwedeng lumangoy. Kung sino ang malakas sila ang ilalagay natin sa National Team,” sambit ni Buhain, 12-time SEAG champion, kabilang ang record 6th gold medal sa 1991 SEA Games edition sa Manila.

Ayon k a y B u h a i n , bukas ang tryouts sa lahat a t maaring magpatala ng paglahok ng libre sa PhilippineSwimmingInc, website o sa Facebook.

Aniya, angmga Pinoy na nakabase sa abroad, gayundin yung mga foreign-breed ay maaari ring sumabak sa tryouts.

“Kung gusto ng ating mga kababayan nasa nasa abroad o yung may lahing Pinoy na mapasama sa National Team, umuwi sila at mag-tryouts kung deserving isama natin. Hindi kasi tama yung kung kailan andyan na ang torneo, hihilahin nalang natin itong mga Fil-foreign swimmers sa team dahil maganda yung time nila. Kung gusto ninyo sa RP Team, umuwi kayo at lumangoy kasama ng mga homegrown talent,” sambit ni Buhain.

Sa kasalukuyan, ang special committee ng Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni dating IOC representative to the Philippines Frank Elizalde ang nangangasiwa ng swimming sa bansa matapos ang hindi pagkakaunawaan sa liderato sa pagitan nina Rosario at Lani Velasco.

Kapwa hindi kinilala ng POC ang magkahiwalay na eleksiyon na isinagawa ng magkabilang kampo.

-Edwin G. Rollon