HINDI matatawaran ang tagumpay ni Dwayne “The Rock” Johnson sa Hollywood. Ngunit, bago pa man siya naging isa sa pinakasikat na actor, itinuturing siyang top attraction sa world wrestling at tanyag sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan dulot ng ng ‘healthy lifestyle’.

UNAHAN ang dalawang ‘Titans’ sa isang mapaghamong obstacle course sa The Titan Games’.

UNAHAN ang dalawang ‘Titans’ sa isang mapaghamong obstacle course sa The Titan Games’.

Kaya’t napapanahon na ang aura ni ‘The Rock’ ay inaasahang magdudulot ng impluwensya sa pangkaraniwang Juan, higit sa mga mahihilig sa extreme sports.

Inaasahang mamo-motive ni Johnson ang publiko sa kanyang bagong programa na ‘The Titan Games’ – ipinapalagay na “the most insane athletic competition ever devised.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I think part of his motivation for doing the show is him thinking back on his life and how fortunate he’s been,” pahayag ni Arthur Smith, executive producer ng Titan Games, sa panayam ng mga mamamahayag.

“He wants to give back. So much of this show comes from his heart because of what he went through. It’s very consistent with what he does on social media—motivating people to be the hardest worker in the room. So many of these people are his followers he inspired,” aniya.

Mapapanood sa The Titan Games, via video-streaming service FOX+, ang mga sports enthusiasts na magtatagisan ng lakas at gilas sa iba;lt ibang pagsuibok tulad ng pagbayo sa mga semento, pagakyat sa mga pader at paghila sa iba’t ibang mabibigat na bagay.

Ang mga kalahok o tinatawag na “Titans” ay magtutuos sa isang one-on-one match kung saan ang mananalo ay makakausad sa susunod na round para harapin ang iba pang nanalo para sa mas mabigat na pagsubok – ang obstacle course paakyat sa Mount Olympus (inihalintulad sa Greek mythology).

Nakapaloob sa obstacles ang pagakyat tampok ang iba’t ibang pagsubok na tunay na susukat sa katatagan at lakas ng isang ‘Titan’.

Ang mga kalahok ay mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga barber, guro, studyante, propesyunal, police, basurero, bomber at maging senior citizens.

Sa pangunguna ni ‘The Rock’, inaasahan magiging inspirado ang mgfa kalahok, higit at mismong si Johnson ay buhay na patotoo sa maganda dulot ng pagkakaroon ng malsduog na pangangatawan.

Mapapanood ang ‘The Titan Games’ sa FOX+. I-download ang FOX+ sa App Store o Google Play Store. Bisitahin din ang foxplus.com para sa karagdagang impormasyon.