Dalawang mga promising Fil-Am basketball players ang kinuha ng Mighty Sports-Philippine team upang makumpleto ang kanilang roster na isasabak sa darating na 2019 Dubai International Basketball Championship.

Inaasahang makakadagdag ng firepower sa koponan sina Jeremiah Gray at Roosevelt Adams.

Base sa kanyang kredensiyal, ang 6-foot-4 na si Gray ay nagtala ng bagong Dominican University of California single-season scoring record sa NCAA Division II sa itinala nyang kabuuang 509 puntos.

Inaasahan namang patatatagin ng 6-foot-5 na si Adams ang backcourt ng koponan sa kanyang pagiging isang mahusay na outside shooter.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“These two Fil-Am players are welcome additions to the team and we are hopeful they can easily adapt to the system of coach Charles (Tiu),” pahayag ni Mighty Sports co-team owner Alex Wongchuking.

“The tournament is one of toughest events in the Middle East but we’re hopeful we will perform better this time,” dagdag pa ni Wongchuking.

Nangunguna sa roster ng koponan na pag-aari ng long time sports patron at kapatid ni Wongchuking na si Caesar sina NBA veteran at dating LA Lakers star Lamar Odom, Ginebra resident import Justin Brownlee, at Chinese Basketball Association import Randolph Morris.

Kasama din nila sina dating Ginebra player Jett Manuel, Gab Banal, Joseph Yeo, University of the Philippines playmaker Juan Gomez de Liaño, La Salle forward Santi Santillan, at College of St. Benilde standout Justin Gutang.

-Marivic Awitan