MAS malaki at mas maaksiyong sultada ang matutunghayan sa unang programa ng 2019 World Pitmasters Cup na itinakda sa Enero 17-26 sa Newport Performance Arts sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Mismong ang chief organizers at isa sa pinakasikat na fightingcock breeder sa bansa na si Gerry Ramos ang nangako nang mas malaking premyo para sa kampeon sa torneo na inaasahang lalagpas sa record 400 kalahok sa nakalipas na taon.

"Much bigger in terms of prizes and participants, ang ilalarga natin ngayong taon. After the success of Pitmasters Cup the past years, hindi na natin maawat ang sabong nation na ilaban ang kanilang mga alaga," pahayag ni Ramos, ilang ulit na ring naging kampeon dito, gayundin sa Slashers Cup.

Aniya, sa kasalukuyan, umabot na sa 200 ang nagpadala ng kanilang intensyon na sumabak sa torneoi ngayong taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"Last year, umabot sa P24 milyon yung pot prize natin. This year, we expect it to go higher," aniya.

Iginiit naman ni Sonny Lagon, isa sa pinakamatagumpay na breeder sa bansa, na mas maraming breeder ang matinding naghahanda sa kanilang pagsali sa torneo dahil sa kampante at kumpiyansa sa bawat resulta ng laban.

"Dito kasi talagang yung the best of the best," aniya.

Ipinahayag naman ni Atong Ang na ang tagumpay ng Pitmasters Cup sa nakalipas na taon ay bunsod nang pagkakaisa ng mga breeders at bawat staff ng torneo.

"Sinisiguro namin dito na walang dayaan. Pantay ang lahat ng laban. Well trained ang ating mga personnel. Kung may napapansin naman kayong hindi normal sa bawat laban, kayo mismo hinihiling namin na kaagad na ipaaalam sa main at agad-agad nating aayusin kung ano man ang problema," pahayag ni Ang.

Sinabi naman ni Ric Dela Rosa na hindi lamang ang pustahan at panalo ang binibigyan ng pansin ng Pitmasters Cup organizers, bagkus ang pagkalap ng pondo para masustinahan ang programa sa komunidad ng sabong.

"Fromg Pitmasters funds, tayo po ay tumtulong sa ating mga kababayan para sa kanilang pagpapagamot, dialysis at iba pa. Yung mga kaanak ng ating mga personnel, sinisguro namin na mabibiyayaan din sila at matulungan ng grupo," pahayag ni Dela Rosa.

"Kaya kahit hindi tayo

-Edwin Rollon