Standings W L
IPPC 2 0
DLSU 2 0
ADMU 1 0
UST 1 1
ADU 0 2
UP 0 2
NU 0 1
Mga laro sa Sabado
Rizal Memorial Baseball Stadium
7:00 am DLSU vs NU
10:00 am ADMU vs IPPC
1:00 pm UST vs ADU
Mula sa kanilang runner-up finish sa 2018 Hong Kong International Open noong nakaraang buwan, patuloy ang mataas na laro ng Ateneo de Manila makaraang igupo, ang University of the Philippines 15-2, sa una nilang laro noong Linggo ng hapon sa Philippine Baseball League sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
"I'm actually impressed with our starters. They were able to get us some time before our offense started to click,” wika ni first-year Ateneo head coach Bocc Bernardo matapos ang abbreviated 7th inning na panalo.
Nagsimula ang ratsada ng Blue Eagles sa 3rd inning, nang maka hit ang graduating center fielder na si Radito Banzon na naging unang run din nila sa laban.
Kasunod nito, umiskor pa uli ng apat na runs ang Blue Eagles sa sumunod na dalawang innings na sinundan nila ng walo pa sa 6th inning.
Magkakasunod na kumunekta sina Banzon at ang mga nagbabalik na sina Gino Tantuico at Ryon Tionloc bago sinelyuhan ni catcher Javi Macasaet ang mercy rule na panalo.
Sa unang laban, muling namuno si dating UAAP MVP at kasalukuyang De La Salle Green Batters head coach Joseph Orillana para sa IPPC Nationals sa 19-7 paggapi sa Adamson Soaring Falcons.
Nagtala si Orillana ng tatlong RBIs para pamunuan ang panalo ng selection team.
Sa isa pang laban, nakamit ng La Salle ang ikalawang sunod na panalo matapos pataubin ang University of Santo Tomas Golden Sox, 13-6.
-Marivic Awitan