Maibabalik na rin sa South Korea (SoKor) ang libu-libong toneladang basurang ipinadala sa Misamis Oriental dalawang buwan na ang nakararaan.

Ito ay nang magkasundo ang Philippine government at SoKor na maisasagawa ang pagbabalik ng aabot sa 7,000 toneladang basura sa Enero 9 sa susunod na taon.

Ang nasabing imported na basura ay pag-aari ng Verde Soko Philippines Industrial Corporation, na nakalusot sa bansa at itinambak sa Tagoloan sa nasabing lalawigan, nitong Oktubre 2018.

Nauna nang inihayag ng pamunuan ng Mindanao International Container Terminal (MICT) na gagastusan ito ng South Korea ng aabot sa P11 milyon.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ayon sa MICT, sinimulan na nila ang paghahanap ng shipping lines na mangangasiwa sa pagbabalik ng 51 container van ng basura sa point of origin nito.

-Mina Navarro