HANGAD ng Department of Agriculture (DA) na makapagtanim ng 100,000 ektarya ng sorghum o batad, karamihan sa mga lupang minana ng mga Indigenous People (IPs) upang masuportahan ang mga nag-aalaga ng mga baboy at manok sa lugar.

Ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol, ang village-level feed mill ay itatatag upang matulungan ang mga magsasaka na makapag-ani ng kanilang sariling pakain (feeds) sa murang halaga.

Aniya, sa pamamagitan ng pagtatatag ng village-level feed mills, maaaring makakuha ng loan ang mga nag-aalaga ng baboy at may manukan mula sa Agriculture and Fisheries Machinery and Equipment Loaning program ng DA.

Isang grupo ng mga nag-aalaga ng baboy mula sa rehiyon ng Davao ang unang grupo na makakukuha ng loan para sa feed mills na ibibigay sa dalawang porsiyentong interes kada taon na maaaring bayaran sa loob ng walong taon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinimulan ito ng DA sa pamamagitan ng unang Sorghum Pilot Farm sa San Vicente, Makilala, North Cotabato.

“Yesterday (Dec. 25), on the way to a Christmas Day visit of my mother, Efigenia, who is suffering from Alzheimer’s, I dropped by the DA Sorghum Demonstration Farm in San Vicente. What I saw really impressed and inspired me. At one month and one week, the Sorghums were growing vigorously and in about a week, the panicles are expected to show followed by the flowering stage,” pagbabahagi ni Piñol sa kanyang Facebook page.

Sa pagtatapos ng Pebrero sa susunod na taon, aniya, “the six-hectare Pilot Farm could be harvested and judging from the physical appearance of the plants, I project a very good harvest.”

Dahil kakaunti lamang ang naaani ay mas nagiging mahal ito kaya napipilitan ang mga feed millers na umangkat pa ng feed wheat. Dahil dito, ipinakilala na ng DA ang sorghum sa iba’t ibang rehiyon ng bansa habang patuloy nitong inaaral ang bagong mapagkukunan ng mga butil para sa lumalagong livestock at poultry industry sa bansa.

Mataas ang protein content ng Sorghum kumpara sa mais na maaaring tumubo nang malago sa mahihirap na lugar na nangangailangan ng kaunting tubig. Sa isang anihan, maaaring makapag-ani ng sorghum ang magsasaka ng tatlong beses dahil sa ratooning, na dahilan para maging mas mura ito.

Ayon pa kay Piñol, ang 100,000 ektarya para sa pagtatanim ng Sorghum planting sa susunod na taon ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program ng DA, na binuo para sa benepisyo ng mahihirap na sektor sa agrikultura at pangingisda.

Base sa inisyal na resulta, ang 100,000-hectare area ay maaaring makapag-ani ng hindi bababa sa 2-milyon metric tons (MMT) ng Sorghum grains para sa pakain at higit 8-MMT ng pakain para sa mga baka at iba pang alagang pansaka.

Sa mababang gastos sa pakain, sinabi ng kalihim na mas makakasabay ang mga lokal na nag-aalaga ng baboy at may poultry sa pamilihan

PNA