Isasailalim sa mahigpit na pagbabantay ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga pagawaan ng paputok sa bansa,  upang matiyak ang pagtalima ng mga ito sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS).

Kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, naglabas si Labor Secretary Silvestre Bello III ng Advisory No. 20, Series of 2018, na inaatasan ang lahat ng regional director na mahigpit na subaybayan ang pagsunod ng mga establisimyento, lalo na ang mga nasa gawaan ng pyrotechnics at firecrackers, sa OSHS (RA 11058) upang maiwasan ang anumang aksidente sa lugar ng trabaho.

Bukod dito, ang advisory ay nagtuturo sa labor laws compliance officers na tulungan ang mga establisimyento ng negosyo na ituwid ang kanilang mga kakulangan upang sumunod sa OSHS.

-Mina Navarro
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya