SAN FERNANDO CITY, La Union – Nakubkob ng militar ang umano’y kuta at imbakan ng pagkain ng komunistang rebelde, na gagamitin sana sa pagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo sa Bongabon, Nueva Ecija, kamakailan.

Ayon kay Northern Luzon Command (Nolcom) spokesman, Maj. Ericson Bulosan, pinangunahan ng 91st Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA) ang pagkubkob sa pinagkukutaan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Bulosan, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng pinagkakampuhan ng mga rebelde sa lugar.

Agad na nirespondehan ang lugar, ngunit hindi nadatnan ang mga rebelde.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Our troops recovered from the site the six blue containers (30L), wherein four of which were filled of rice and one gallon (6L capacity) that was fully-filled of salt which were later discovered as means to be used for the celebration of the Communist Party of the Philippines (CPP) anniversary in the area," ayon kay Nolcom chief, Lt. Gen. Emmanuel Salamat.

Ipagdiriwang ng mga rebelde ang anibersaryo ng kanilang kilusan sa Disyembre 26.

-Freddie G. Lazaro