BAGUIO CITY – Matapos ang pagbabalik sa kampanya ng Megafiber sa Senior division at ang panalo ng Camp John Hay golf team sa super senior crown sa nakalipas na linggo, nakatuon ngayon pansin sa regular flights ng 69th Fil-Am Invitational golf tournament sa Baguio Country Club.

NAPAYUKO na lamang sa panghihinayang si dating Junior world golf champion Jenz Tecson ng Mizuno-Power Systems nang sumablay ang pagtatangka sa birdie sa hole NO.7 ng Baguio Country Club. Kumana siya ng 29 puntos para mabilang sa team scores ng 69th Fil-Am Invitational Golf regular event.

Target ng Manila Southwoods ang ika-17 titulo.

Nagsimula ang aksiyon sa regular flights ng Championship at A to E division sa torneo na itinataguyod ng San Miguel Corporation, sa pakikipagtulungan ng Toyota na magbibigay ng Toyota Rush sa hole in one sa No.10 at No.18.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Gaganapin ang aksiyon sa A, B, D at E will sa par 61 BCC course at maisking Par 69 CJH layout target ang titulo sa pinakamatanda at prestihiyosong team competition sa golf.

Pinangunahan nina Fil-Am golf executive chairs Anthony de Leon at Tim Allen, kasama sina Baguio City Mayor Mauricio Domogan at Congressman Mark Go ang ceremonial tees.