BAGUIO CITY – Ipinahayag ng The Fil-Am Golf foundation na ilulunsad nila ang kauna-unahang junior golf tournament sa Baguio Country Club at Camp John Hay golf courses sa Hunyo 2019.

Ang paglulunsad ng June 2019 junior golf tournament sa lungsod ay bahagi ng Fil-Am foundation sa layuning mag-develop ng kabataang golfers na maging prominent amateur at professional golfers sa hinaharap, ayon kay Anthony de Leon, general manager ng Baguio |Country Club at co-chairman ng Fil-Am Executive Committee.

Ayon kay De Leon, ang bahagi ng kikitain sa kasalukuyang 69th edition ng Fil-Am invitational golf tournament na nagsimula noong Disyembre 1 hanggang 14, ay magiging pondo para sa gaganaping junior golf tournament.

Aniya, ang Fil-Am Golf foundation ay patuloy na magsasagawa ng mga proyekto bilang assistance sa lungsod na mapanatili at mapalakas pa ang eknomiya at turismo sa Summer Capital.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang Fil-Am Golf foundation ay kaakibat na sa mga iba’t ibang corporate social responsibility projects na gaya ng environmental preservation and protection, medical-dental missions, relief operations, bilang kontribusyon sa mga komunidad sa lungsod at karatig-lalawigan ng Benguet.

-RIZALDY COMANDA