BAGUIO CITY – Nabuo ang senaryo na Luisita Golf and Country Club vs Manila Southwoods nang maibaba ng huli ang hinahabol na bentahe sa 69th Fil-Am Invitational Golf tournament nitong weekend sa Baguio Country Club.

MASINSIN na pinag-aaralan ni Danilo Cruz ng Luisita Golf and Country Club ang gagawing tira sa No.4 hole ng Baguio Country Club para sa Fil- Am Championship nitong weekend sa 69th Fil-Am Invitational Golf Tournament sa Baguio City. (Zaldy Comanda)

MASINSIN na pinag-aaralan ni Danilo Cruz ng Luisita Golf and Country Club ang gagawing tira sa No.4 hole ng Baguio Country Club para sa Fil- Am Championship nitong weekend sa 69th Fil-Am Invitational Golf Tournament sa Baguio City.
(Zaldy Comanda)

Umiskor si Eddie Bagtas ng 71para sa katumbas na 34 puntos para sandigan ang Luisita sa 124 puntos ngayon araw para sa kabuuang 249 puntos para sa dalawang puntos na bentahe sa Manila Southwoods.

“It will be a good fight!” pahayag ng magkabilang kampo matapos ang second round ng par-61 BCC course ng Camp John Hay.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nakapag-ambag si Jingy Tuazon ng 31 puntos, habang kumabig sina Raffy Gacia ng 30 puntos at Rodel Mangalubnan na may 29 puntos.

Matikas ang paghahabol ng Manila Southwoods, sa pangunguna ni dating pro Raul Minoza na nagsumite ng one under 68 para sa kabuuang 37 puntos at sandigan ang Carmona, Cavite based squad sa kabuuang 247.

Kumabig din sina Theody Pascual sa iskor na 70 para tulungan si Minoza, habang kumana sina Sang Jun Sin ng 30 at Judd Roy na may 25 .

“The other teams really played well, but we are still happy to have the lead despite our not so good performance,” sambit ni Garcia.

“We are still good and very happy that we still held on to the lead,” aniya.

Umiskor naman sa Megafiber, tumabla sa Southwoods, sa 127 si Jose Mari Hechanova na may 36 puntos.

Nabilang din sina Abe Rosal (32), Rolly Viray (30) at Dave Hernandez (29) para sa kabuuang 239 puntos.

-ZALDY COMANDA