DENVER (AP) — Ipinatikim ng Denver Nuggets ang pinakamasaklap na kabiguan kay LeBron James at sa Lakers.

Hataw sina Paul Millsap, Jamal Murray at Malik Beasley sa naiskor na tig-20 puntos para sandigan ang Nuggets sa 117-85 panalo kontra sa Los Angeles Lakers nitong Martes (Miyerkoles sa Mahila).

Ang 32-puntos na bentahe ay bumura sa 29-puntos na pinakamalaking bentahe naitala nila labans a Lakers noong 1993.

“I thought we came out and just took it to them,” pahayag ni Millsap. “Our halfcourt defense was tremendous. We were not allowing them to get any shots. We could have done a little better job of shutting them down in the paint but overall I think we did a really good job of coming in and establishing what we wanted to do, paying attention to the game plan. And it completely took them out of their game.”

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

Nag-ambag si Nikola Jokic ng 14 puntos at kumana si Juancho Hernangomez ng 12 puntos.

Nanguna si Kyle Kuzma sa Lakers na may 21 puntos at nalimitahan si LeBron James sa 14 puntos.

Sa iba pang mga laro, nagwagi ang Indiana Pacers sa Phoenix Suns, 109-104; naitala naman ng Toronto Raptors ang best record sa 18-7 nang biguin ang Memphis Grizzlies, 122-114.