OAKLAND, Calif. (AP) — Muli, nasabak ang Golden State Warriors sa dikdikang laban. At sa ikatlong sunod na laro, nanindigan si Kevin Durant.

Nagsalansan ang one-time MVP ng season-high 49 points, tampok ang dalawang krusyal na three-pointer para sandigan ang Golden State sa 116-110 panalo kontra Orlando Magic nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nakumpleto ni Durant ang three-point play may 1:19 sa laro bago naisalpak ang three-pointer sa huling 22 segundo para sandigan angWarriors sa ikatlong sunod na panalo matapos tuldukan ang four-game losing skid.

Kumi k i g di n si Klay Thompson sa naiskor na 29 puntos para maibsan ang kakulangan sa opensa ng Golden States bunsod nang patuloy na pagkawala nina two-time MVP Stephen Curry at All-Star Draymond Green.

Amores magle-lechong manok business muna: 'Mapapa-knockout ka sa sarap!'

Naisalpak ni Thompson ang ikaanim na three-pointer para maitabla ang iskor sa 110-all may 1:45 sa laro.

Nahanay si Durant sa listahan ng kasaysayan ng Warriors na nakapagtala ng magakasunod na 40-point games tulad nina Rick Barry, Wilt Chamberlain, Curry, Antawn Jamison, Purvis Short at Thompson.

Nanguna si Nikola Vucevic sa Magic sa naiskor na 30 puntos at 12 rebounds.

SPURS 108, BULLS 107

Sa Chicago, naungusan ng San Antonio Spurs, sa pangunguna ni LaMarcus Aldridge na may 20 puntos, ang Bulls.

Hataw din si DeMar DeRozan sa nakubrang 21 puntos at tumipa si Patty Mills ng 17 puntos.

May pagkakataon ang Chicago na maagaw ang panalo, ngunit sumablay ang three-pointer ni Zach LaVine at short jumper ni Ryan Arcidiacono sa buzzer.

Nanguna si Lavine sa Bulls na may 28 puntos, habang tumipa si Juston Holiday ng 17 puntos.

Sa iba pang mga laro, ginipa ng Boston Celtics ang New Orleans Pelicans, 124- 107; pinasabog ng Washington Wizards ang Houston Rockets, 135-131; dinaig ng Charlotte Hornets ang Milwaukee Bucks, 110-107; at nginata ng Minnesota Timberwolves ang Cleveland Cavaliers, 102-95.