MAY bagong ka-love team si Kathryn Bernardo sa pelikulang Three Words to Forever, si Tommy Esguerra. Ang pelikula ay reunion movie nina Richard Gomez at Sharon Cuneta na handog ng Star Cinema, mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Kathryn copy

Base sa kuwento ay ikakasal si Kathryn kay Tommy at sa edad ngayon ng dalaga na 22 ay masasabing masyado pa siyang bata para magpakasal, pero posible itong mangyari sakaling yayain na siya ng boyfriend niyang si Daniel Padilla, na 23 taong gulang.

Kaya sa mediacon ng Three Words to Forever ay hindi naiwasang tanungin si Kath kung ano ang pananaw niya sa kasal. “Iba-ibang age natin na puwede pasukin ang marriage. Kasi ibang level ‘yan sa magBF-GF kayo. “For me, kapag nakikita mo ang buhay mo na ginagawa mo ang mga bagay na ‘yun kasama ang tao na ‘yun, isa na ‘yun,” magandang sabi ng aktres. “Kapag hindi mo makita ‘yung future na wala siya, and kapag nakikita mo na nandiyan ‘yung respeto n’yo sa isa’t isa, that’s the time.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Iba-ibang age tayo nagiging ready, pero kapag na-feel mo na ‘yun, you just have to jump in.” Habang nagsasalita si Kathryn ay nabubulungan ang mga katoto na matured na talaga ang dalaga dahil magaling na siyang sumagot kumpara rati.Nagsimulang mapabilib ng aktres ang press people sa mga sagot niya sa mediacon ng The Hows of Us kasama ang boyfriend niyang si Daniel.

Ang sumunod na tanong ay kung naramdaman na ni Kath na handa na siya sa next level ng relasyon nila ni Daniel, ang magpakasal. “Not so soon naman! Too early pa for now. Ito ‘yung mga bagay na hindi mo dapat minamadali, kasal na, eh. “And ang unfair sa isa or pumasok ka sa isang bagay na hindi ka ready.

Hindi mo maibibigay lahat,” magandang sagot ulit ng dalaga. Pero naghiyawan ang lahat ng supporters ni Kath sa loob ng Dolphy Theater sa sumunod na sinabi ng aktres. “I’m the happiest when I’m with DJ. Kasi, hindi lang siya boyfriend, eh. Kaibigan mo rin, masasabihan mo sa lahat at kung paano siya sa family ko.”

Sa madaling salita, iisa na lang ang hinihintay ng lahat, kung kailan magiging ready sina Daniel at Kathryn. Tanda namin sa mediacon ng The Hows of Us ay nabanggit ni Daniel na halos araw-araw silang magkasama ni Kathryn. Biniro pa nga ang aktor kung hindi ba sila nagsasawa sa isa’t isa, pero dahil parehong in-love, parehong “hindi” ang sagot nila.

Aminado rin si Kathryn na nahirapan siya at superadjust sa shooting ng pelikula sa Ormoc City, dahil ito na yata ang pinakamatagal na pagkakataong hindi sila nagkita ni Daniel. “It’s a big adjustment for me.

Ang tagal, six or seven years na kasama ko si DJ; ‘yung kapag pupunta ka sa set, naninibago talaga ako. “Alam mo ‘yung kapag pupunta ka sa set, ‘yung ‘di mo siya makikita? Weird, weird siya. “Siyempre, nangangapa ka, lahat kami, out-of-town pa ‘yung shoot, lahat kami; hindi ka makakauwi sa house mo.

Hindi mo makikita ang ibang tao. Pero after a week, ‘yun na ‘yung, ‘Ah okay na.” Kaya naman nang i-surprise visit siya ni DJ sa Ormoc ay talagang nagsisigaw siya sa tuwa at talagang yumakap siya nang husto sa boyfriend niya. Ito ‘yung video na ipinost ni Joross Gamboa sa social media na naging viral. “Ang tagal ko siyang hindi nakita, eh.

Parang na-recharge ako nang makita ko siya. Parang okay, okay na ulit. “Nakatulong talaga si DJ kung paano niya ako sinuportahan sa movie na ito, and hindi nagkulang si DJ sa support.

Siya ang kumausap kay Tommy nang pumunta siya, mas madali rin para sa aming dalawa,” kuwento ng aktres. Nabanggit din ni Kath na noong i-offer sa kanya ang pelikula at nalamang kasama sina Goma at Shawie ay talagang um-oo kaagad siya. “In-offer kasi itong movie, of course with Tita Sharon and Tito Richard, and ang gandaganda at gusto ko siyang gawin. “Anak ako, eh, member ako ng family.

Gusto ko na ako ang mag-represent sa mga youth ngayon. When they watch the movie, ‘Ah, okay, gets ko siya,’ ako ‘yung parang boses ng mga anak,” sabi pa ng dalaga. Anyway, family drama ang Three Words to Forever, kung saan inakala ni Kathryn na perfect ang relasyon ng mga magulang niyang sina Richard at Sharon. Iniidolo niya ang dalawa at nangakong magiging ganu’n ang peg kapag ikinasal sila ni Tommy. Ang hindi niya alam ay malaki pala ang problema nina Richard at Sharon.

Ipalalabas na ang Three Words to Forever bukas, kasabay sa selebrasyon ng 25th year ng Star Cinema.

-REGGEE BONOAN