Arestado ang dalawang katao, kabilang ang isang senior highschool student, na umano’y nagbebenta ng ilegal na droga sa mga estudyante sa online sa San Juan City, nitong Biyernes.

Inaresto sina Julia Ameera Webb, alyas Miray, 21, ng Barangay Corazon De Jesus; at Carlito Perez, Jr., 22, senior highschool student, ng Bgy. Balong Bato, sa San Juan City.

Napag-alaman na si Perez ay nagsisilbi umanong drug courier ni Webb at nagbebenta umano sila ng ilegal na droga sa mga estudyante gamit ang social media, gaya ng Facebook at text message, ayon kay Senior Insp. Edwin Malabanan, San Juan City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief.

Unang naaresto si Perez sa loob ng paaralan na kanyang pinapasukan, sa ganap na 12:30 ng tanghali.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Senior Supt. Dindo Reyes, San Juan City Police chief, inaresto si Perez nang inspeksiyunin ng mga school officials ang mga bag.

Sinabi ni Reyes na isang guro ang nakapansin sa kahina-hinalang kilos ni Perez, kaya sinilip ang bag nito at narekober ang hinihinalang mga dahon ng marijuana.

S a m a n t a l a , s i n a b i n i Malabanan na sa kasagsagan ng interogasyon, pinangalanan ni Perez si Webb bilang supplier niya ng ilegal na droga.

Sa nakuhang impormasyon, nakipag-ugnayan si Malaban kay Webb at nagkasundong magkita sa tapat ng paaralan ni Perez, sa ganap na 4:30 ng hapon.

Agad na inaresto si Webb matapos umano nitong iabot ang ilegal na droga sa undercover cop, ayon sa awtoridad.

Narekober sa operasyon ang pitong pakete ng hinihinalang p i n a t u y o n g d a h o n n g marijuana.

K a k a s u h a n a n g mg a suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-JHON ALDRIN CASINAS