WALANG VIP sa Games and Amusement Board (GAB) pagdating sa paghingi ng clearance para lumaban.
Maging si Manny Pacquiao, Senator at eight-division world champion, ay kailangang dumaan sa medical test at magsumite ng kanyang medical records bago ang pagdepensa sa WBC title kontra Andrien Broner sa Enero.
“The rule must apply to all,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa kanyang pagdalo sa TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports nitong Huwebes sa NPC.
Nilinaw ni Mitra, na sa kabuuan ng career ni Pacquiao, hindi ito naging pasaway sa regulasyon ng GAB.
‘For the record, Senator Manny has never failed to get clearance frpm GAB and GAB has no record or proof that he has a heart ailment,’ aniya.
Matatandaang naging isyu ang kalusugan ni Pacquiao nang mapabalita na sumailalim ito sa pagsusuri matapos ang laban kay Lucas Matthyseee nitong Hulyo at napabalitang may ‘inborn heart ailment’ ang kampeon.
“So far wala kaming record na magpapatunay na meron ganyang kondisyon si Senator Pacquiao,” sambit ni Mitra.
“As the government supervising and regulatory body GAB is mandated to check the physical condition of the boxer and determine if ge is fit to fight,” aniya.
-Edwin Rollon