De Vega, 9 pang sports legend sa PSC Hall-of-Fame
UMAASA si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na magsisilbing inspirasyon sa mga batang atleta ang mga sports legend na kabilang sa iniluklok sa PSC Hall-of-Fame.
Ipinagmalaki ni Ramirez ang sampung magigiting na atleta na bahagi ng ikatlong grupo na pinarangalan kamakalawa ng gabi sa PICC.
Ayon sa PSC chief ito ay bilang pagkilala sa hirap at sakripisyo na ipinamalas ng mga piling piling atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa noong kanilang henerasyon.
“Tonight, is a night of remembering and celebrating the great achievements of 10 Filipino sports legends, who will become the newest members of our Philippine Sports Hall of Fame.We are gathered here to recognize the sacrifices, hardships and triumphs of these courageous and gifted athletes, who gave their very best to represent the country in the sports they love,” pahayag ni Ramirez sa kanyang pambungad na mensahe sa mismong gabi ng parangal.
Sinabi ng PSC chief na higit sa medalya at karangalan, ang pagiging isang kampeon ay o isang sports legend ay nasusukat sa pagmamahal na ibinuhos ng isang atleta sa kanyang pakikipagsapalaran sa mga kompetisyon.
“What does it take to be a sports legend? I believe that more than the medals and the accolades, it is the journey towards that penultimate moment of victory and joyous moment of celebration that makes a champion. It is the missed weekends with family and friends. It is skipped birthdays and milestones because you prioritized your training, it is the aching muscles and rebelling body which was only overcome by your desire to win. It is love for sport and country that makes someone a legend,” ayon kay Ramirez.
Aniya, masuwerte ang mga taong nakasaksi ng galing ng sampung mga atleta na sina Lydia De Vega, Filomeno Codinera, Bong Coo, Paeng Nepomuceno, Erbito Salaverria, Josephine dela Vina, Lita dela Rosa, Senator Ambrocio Padilla, Loreto Carbonell at Ben Arda noong panahon ng kanilang kasikatan sa larangan ng sports, at kung paanong nag-uwi ang mga ito ng karangalan para sa bansa.
“Many of us present in this room grew up, grew old with these names in our consciousness. For us, the generation who was lucky to witness some of our enshrines at their prime, it is an honor to witness this moment of celebration. You have come full circle. Once upon a time, a dream was planted in your heart and mind. You staked your all and claimed it. Now, being the icons of sports, the epitome of Filipino athletic excellence, you have the gift of planting seeds of dreams among our youth. And for some of you, have the chance to cultivate it and see it bloom. Some say, once a sportsman, always a sportsman. Seeing you here, and knowing what you have accomplished, I say it is true.” dagdag pa ni Ramirez.
“It is a great honor to be with you on this milestone in Philippine sports. Congratulations to our new inductees! Ngayong gabi, ating ipagdiwang ang galling at husay ng ating lahi. Mabuhay ang Atletang Pilipino!”
Ang kasunod na Hall of Fame ay magaganap makalipas ang dalawang taon.
Walang pagsidlan naman ang kasiyahan na naramdaman ni Asia’s Fastest Woman Lydia de Vega sa parangal na kanyang natanggap.
Ayon kay de Vega na kasalukuyan nang naka base sa Singapore, malaki ang pasasalamat niya sa pagkilalang ginawa ng PSC sa mga atletang kagaya niya na nagbigay ng karangalan sa bansa noong kanyang panahon.
“Unang una nagpapasalamat ako sa Philippine Sports Commission (PSC) for this award. Syempre tuwang tuwa. Hindi lahat nabibigyan ng ganitong award, kaya sobra ang pasasalamat ko sa PSC sa pagkilalang ito,” pahayag ni De Vega.
Bahagyang nagbalik tanaw si De Vega sa kanyang kapanahunan bilang atleta kung saan inalala niya ang kanyang unang pagsabak sa Asian Games noon sa India, kung saan matapos ang dalawampung taon ay sinira niya ang isang matandang rekord sa athletics.
“Lahat naman ng naging experience ko sa pagtakbo, sa mga laban ko, lahat yan memorable. kasi lahat pinagpaguran ko, puno ng sakripisyo lahat ng laban ko, manalo matalo, kaya naman, tuwang tuwa ako kasi bingyang pagkilala ng PSC yung pagod at hirap ko noon,” pahayag ni De Vega.
Bukod kay De Vega, pinarangalan din sina Paeng Nepomuceno ng bowling, Bowling Coo ng Bowling, Lite De la Rosa ng Bowling, Ben Arda ng golf, Loreto Carbonell at dating Senador Ambrocio Padilla ng basketball, Erbito Salaverria ng boxing at si Josephine de la Vina ng athletics.
-ANNIE ABAD