TIYAK na ikatutuwa ni Bro. Jun Banaag ang charity work na ginagawa ni Ai Ai delas Alas tuwing birthday ng Comedy Queen. Deboto ni Mama Mary, huwarang santo ni Ai Ai si Mother Teresa, na ang buong buhay ay inilaan sa pagtulong sa mga kapus-palad at matatanda.

Ai Ai copy

Sa piling ng Missionaries for Charities, ipinagdiwang ni Ai Ai ang kanyang kaarawan last Sunday. Gusto niyang in her own little way ay maibahagi niya ang blessings na tinatanggap niya na kaloob ng Panginoon.

Naging panata na ito ni Ai Ai taun-taon, at napakasarap daw ng pakiramdam.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi na mabilang ang mga kapus-palad ang natulungan ng Comedy Queen, na ginusto niyang huwag na lang isulat, o ipaalam sa publiko.

Naniniwala siyang it is better to give than to receive. Sa katunayan, lagi rin siyang nagbibigay ng munting salu-salo si Ai Ai sa mga kaibigan niya sa press bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob.

-Remy Umerez