SA pagtataguyod ng Philippine Racing Commission (Philracom), at pagkakaisa ng mga racing clubs, horse owners, trainers at jockeys, nakalikom ng kabuuang P2,722,173.86 mula sa 11 charity races sa San Lazaro Park sa Carmona, Cavite.

Sanchez

Sanchez

May hiwalay pang P1 milyon na donasyon mula sa Manila Jockey Club.

Ang P1,722,173.86 na nakolekta ay ipagkakaloob sa Senate Spouses Foundation, Dalampasigang Manila Bay Foundation, Press Photographers of the Philippines, Buhay Isang Awit Foundation at Movie Workers Welfare Foundation.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Tinanggap ng Senate Spouses Foundation, sa pamamagitan ni Ciara Sotto, anak ni Senate President Sen. Tito Sotto, at Dalampasigang Manila Bay Rotary Foundation ang tig-P626,245.04 tulong pinansiyal. Nakuha rin ng Senate Spouses Foundation ang karagdagang P1 milyon mula sa mga karera sa MJC.

Tinanggap naman ng PPP, sa pamumuno ni Jonathan Jalbuna, at Buhay Isang Awit Foundation at Mowelfund ang tig-P156,561.26.

“This is the racing industry’s humble contribution to the noble projects of these five foundations. We are delighted, knowing that the combined efforts of the Philracom, the racing clubs, horse owners, trainers and the jockeys to raise funds for these associations’ worthwhile programs will go a long way,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

Samantala, nakalinyang bitawan ang malalaking karera sa huling dalawang buwan ng racing season kabilang ang 3rd Legs of the Juvenile Fillies Stakes Race and Juvenile Colts Stakes Race sa Nov. 18; Grand Sprint Championship sa Dec. 2, at Chairman’s Cup, Philtobo Racing Event at 2nd Leg of the 3YO Open Challenge Series sa Dec. 16, gayundin ang Juvenile Championship, KDJM Racing Event, at 3rd leg ng 3YO Open Challenge Series sa Dec. 31.