GINAPI ng Davao Occidental-Cocolife Tigers ang Navotas Clutch, 72-59, kamakailan sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League- Datu Cup sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nilapa ng Tigers mula Mindanao ni team owner Claudine Bautista sa ayuda nina Cocolife president Elmo Nobleza,FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan, ang tropa ng Navotenos upang maipagpatuloy ang bangis sa pagtala ng ikawalong sunod na panalo sa eliminasyon ng pamosong liga.

Mainit ang opensa sa kabuuan ng laro ang game’s best player na si PBA veteran Leo Najorda na kumamada ng 17 puntos kaagapay sina Ilonggo superstar Billy Robles at journeyman Bonbon Custodio na kapwa tumikada ng double figure.

Inilatag naman ni Cocolife Tigers coach Don Dulay ang solidong depensa sa kabilang dulo sa ikatlong yugto upang mapigil ang tangka ng Clutch na paghabol habang patuloy ang paglapa nila sa shaded area tungo sa dominanteng panalo at manatili sa ituktok ng team standing sa south division ng ligang inorganisa ni Sen.Manny Pacquiao.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Defense made the difference. We outrebounded them and limited their field goal to 30% while outscoring them inside the paint,” ahayag ni team manager Ray Alao .

Sumadsad naman ang Navotas sa 5-7.