TINIYAK ni WBC No. 3, WBO No. 12 at IBF No. 15 minimumweight Melvin Jerusalem na aangat siya sa world rankings nang kumbinsidong talunin via 10-round unanimous decision si two-time world title challenger Toto Landero kamakalawa ng gabi sa IDOL 4 fight card sa Minglanilla Sports Complex, Minglanilla, Cebu.

Nagpakiramdaman muna ang dalawang boksingero sa unang tatlong rounds, ngunit pagdating sa ikaapat na yugto ng sagupaan ay kapwa sila nagpakawala ng matitinding left at right hooks.

Tinangka ni Landero na gibain si Jerusalem ng malalakas na sikwat sa bodega ngunit nakalamang ito sa palitan ng mga suntok hanggang matapos ang laban.

Nanalo si Jerusalem sa mga huradong sina Arnel Pasion, 98-92; Noel Flores 97-93; at Neil Papas, 98-92 para mapaganda ang kanyang rekord sa 14 panalo, 2 talo na may 8 pagwawagi sa knockouts.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Bumagsak naman ang kartada ni Landero sa 10-4-2 na may 2 pagawawagi lamang sa knockouts at naglaho sa world ranking makaraang magkasunod na matalo sa puntos kina WBA minimumweight champion Thamanoon Niyomtrong ng Thailand at IBO mini-flyweight titleholder Simphiwe Khonco ng South Africa.

“Gusto kong muling mapalaban sa world title fight,” sabi ni Jerusalem sa Balita matapos ang laban. “Gustong kong muling maging mandatory contender para magkaroon ng tsansang maging world champion.

-Gilbert Espeña