SINIMULAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional office sa Legazpi City ang pamamahagi ng cash subsidy sa mahihirap na pamilya, na tinukoy sa pamamagitan ng “Listahanan” scheme bilang benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer (UCT) program sa lahat ng local government units (LGUs) sa Bicol.

Sa isang panayam nitong Martes, sinabi ni DSWD Regional Director Arnel Garcia na nasa kabuuang 102,853 indigent families ang nakatakdang makatanggap ng tulong-pinansiyal, na nagkakahalaga ng P2,400 bawat isa.

Ang tulong, aniya, ay pagtugon upang matulungan ang mahihirap sa epekto ng nagtataasang presyo ng mga bilihin.

“The program provides one-time unconditional cash grant of PHP2,400 equivalent to 200 per month this year and this will increase to PHP3,600 or PHP300 per month in the succeeding two years (2019-2020),” dagdag pa niya.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Pinaalalahanan ni Garcia ang mga benepisyaryo na magsumite ng isang kopya ng valid government-issued ID bilang requirement sa paglalabas ng kanilang subsidiya.

Kailangan ding magdala ng dokumentong magpapatunay ng kanilang relasyon o ugnayan sa benepisyaryo, tulad ng marriage contract o birt certificate kasama ng isang liham bilang awtorisasyon ng benepisyaryo.

Pagtutulungan ng LGU at ng Land Bank of the Philippines (LBP) ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal.

Nasa LGU ang tungkulin sa pamamahagi ng impormasyon tungkol sa itinakdang araw ng payout, sa pamamagitan ng mga opisyal ng barangay at probisyon para sa venue at iba pang kailangan sa payout habang ang LBP naman ang nakatalaga sa pamamahagi ng cash grants sa mga benepisyaryo.

Dating kilala bilang National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), ang “Listahanan” ay isang “information management system” na kumikilala kung sino at nasaan ang mahihirap sa bansa. Nagsisilbi itong basehan para sa identipikasyon ng mga potensiyal na benepisyaryo ng mga social protection programs ng pamahalaan.

PNA