Hindi naging madali para kay Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang kanyang simula upang makasingit ng slot para sa inaasam na 202 Tokyo Olympics.

Sa kanyang kasalukuyang kampanya sa 2018 International Weightlifting Federation (IWF) World Championship in Ashgabat, Turkmenistan ay bumuhat si Diaz ng kabuuang 203 kilograms sa women’s 55kg category.

Inangat ni Diaz ang 93 kilograms na pagbuhat sa snatch at 110 kilograms naman sa clean and jerk para sa ika 11 puwesto sa nasabing torneo.

Gayunman, nag-iba si Diaz ng kanyang weight category buhat sa 53 kilogram division patungo sa kasalukuyan niyang pagbuhat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bagama’t hindi pa sapat ang kanyang bigat na nabuhat upang makaani ng puntos para sa puwesto sa 2020 olympics, kumpiyansa pa rin ang 2018 Asian Games gold medalist na knyang masisingit ng isang puwesto para makalipad sa Tokyo.

Si Srisurat Sukanya ng Thailand mang siyang nkasungkit ng gold medal dito buhat sa kabuuang 232 kilograms, habang si Li Yajun ang kumuha ng ilver at si Zhang Wanqiong ng China ang nag-uwi ng bronze.

-Annie Abad