MATAPOS ang magnificent performance sa Pattaya, Thailand kamakailan, ang Philippines youth team mula sa General Trias City, Cavite ay naka-focus na sa next assignment—ang Kasparov, Singapore at New Zealand International chess meet.

Nakatutok sa event si Head Coach Ederwin Estavillo, na presidente rin ng General Trias City Chess Club.

“If we play with the same effort just like what we’ve shown against in Thailand Pattaya Youth Chess Championship 2018 , I believe kaya din natin mag-perform nang maganda sa Kasparov, Singapore at New Zealand International chess meet,” sabi ni Coach Estavillo.

Ang Canon Carlsen Kasparov kiddies chess fest ay tutulak sa Nobyembre 11 sa City Mall Anabu sa Imus, Cavite; habang ang 35th Singapore Age Group Chess Championships 2018 ay itinakda sa Disyembre 27-30 Singapore; at ang 126th New Zealand Chess Congress ay sa Enero 14-24, 2019 sa Auckland, New Zealand.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Sa nakaraang Thailand Pattaya Youth Chess Championship 2018 sa Bay Beach Resort Pattaya, Banglamung, Chin Buried sa Pattaya, Thailand nitong Oktubre 20-24, 2018, nagwagi ang PH youth team ng four gold at two silver medals.

Inaasahang ang Pattaya, Thailand Youth gold medal winners 8 years old Clark na sina Jemuel Cabatian, 8; Relghie Columna, ng John Isabel Learning Center Inc., 9; at Bonjoure Fille Suyamin, ng Del Rosario Christian Institute, 9; at silver medal winners Jirah floravie Cutiyog, 9; at Geraldine Mae Camarines, 11, ng Bethel Academy ang mangunguna sa kampanya ng PH charge.

Kabilang din sa delegasyon ng Pilipinas sina Kaiza Libo-on, Carlyhne Mae Maneja, Adrian Klein Cantomayor, Dan Japhet Libo-on, Josh Edmar Castro, Earl Siegfrid Sta. Maria, Heart Florence Claros, Jeanelle Cabatian, Janmyl Dilan Tisado, Jireh Dan Jaime Cutiyog, at Paolo Estavillo.

Sa Pattaya, Thailand ang head ng delegasyon ay si Baby Lyn Kempiz, ng City Mayor’s Office of General Trias City, Cavite.

Suportado sila ng lokal na pamahalaan ng General Trias City, sa gabay nina Mayor Antonio “Ony” Ferrer at Congressman Luis “Jon-jon” Ferrer, at tinulungan din nina Cavite Gov. Jesus Crispin “Boying” Remulla at Rodel Vincent T. Bae, head ng Provincial Youth and Sports Development Office.

Ang nasabing delegasyon ay enendorso ng National Chess Federation of the Philippines thru FA Red Dumuk, ang NCFP executive director na suportado ng Philippine Sports Commission.