MATAGAL nang mayroong espesyal na ugnayan ang mga Pilipino sa mga Jewish people. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa mga panahong nililipon at pinapatay sila ni Hitler sa Holocaust, pinuksan ni Pangulong Quezon ang Pilipinas bilang kanilang kanlungan. Pilipinas din ang bumasag sa bantay na botohan sa United Nations General Assembly para sa pagtatatag ng Jewish state of Israel noong 1947. At gamay ng mga Pilipinong Kristiyano ang kuwento ng mga karakter sa Bibliya tulad nina Abraham, Haring David at Haring Solomon, at siyempre, ang Jesus of Nazareth.
Nabalitaan natin kamakailan ang nangyaring massacre sa mga Jews na dumadalo ng Sabbath sa kanilang synagogue (lugar sambahan) sa Pittsburgh, Pennsylvania, United States, kasama ng kalungkutan na hanggang sa araw at panahon na ito may mga taong patuloy na itinatakwil ang mga Jews bilang mga tao—tulad ng gunman na pumatay sa 11 at sumugat ng anim pang iba ng paulanan nito ng bala ang Tree of Life synagogue sa Pittsburgh noong nakaraang Sabado.
Walang anumang pulitikal o ekonomikal o anumang karaniwang rason ang namaril sa pinakabagong tala ng malawakang pamamaril sa Estados Unidos. Hindi lamang niya gusto ang mga Jews bilang tao, sa pagsigaw niya ng “All Jews must die!” nang simulan niya ang pag-atake gamit ang isang assaut rifle at tatlong handgun. Sinabi ng Department of Justice na magsasampa sila ng kasong hate crime at iba pang kriminal na kaso laban dito.
Kinondena ng mga pinuno sa mundo ang pamamaril at pagpatay sa synagogue, kabilang sa mga ito sina United Nations Secretary General Antonio Guterres, German Chancellor Angela Merkel, French President Emmanuel Macron, at siyempre si Israelli Prime Minister Benjamin Netanyahu. Isinisi ng mga kritiko kay President Trump ang insidente dahil umano sa pagpapakalat ng galit ngayon sa Amerika gamit ang kanyang mga retorika, ngunit nagtungo siya sa Pittburgh, kasama si First Lady Melania, para kondenahin ang pag-atake at magpakita ng simpatiya para sa mga biktima at sa mga residente ng Pittsburgh.
Sa Vatican City, noong nakaraang Linggo, pinangunahan ni Pope Francis ang panalangin para sa Pittsburgh, kasabay ng pagtuligsa sa “inhuman act of violence” at sa “flamed of hatred” na nagdulot nito. “All of us are wounded by this inhuman act of violence,” aniya. Nanalangin siya na “[God will] help us extinguish the hotbeds of hatred that are developing in our societies, strengthening the sense of humanity, respect for life, moral and civil values, and the holu fear of God, who is Love and Father of all.”
Isa itong panalangin ibinabahagi sa mga taong may mabubuting kalooban dito at sa buong mundo.