GENERAL TRIAS CITY – Ipinagdiwang ng General Trias City, Cavite ang matagumpay na kampanya ng Team Philippines sa Thailand Pattaya Youth Chess Championship 2018 sa Pattaya, Thailand.

NAGBIGAY pugay kay General Trias City Mayor Antonio ‘Ony’ Ferrer ang mga miyembro ng Philippines Youth Team – binubuo ng mga player mula sa lungsod -- na nag-uwi ng apat na ginto, at dalawang silver medal sa katatapos na Thailand Pattaya Youth Chess Championship.

NAGBIGAY pugay kay General Trias City Mayor Antonio ‘Ony’ Ferrer ang mga miyembro ng Philippines Youth Team – binubuo ng mga player mula sa lungsod -- na nag-uwi ng apat na ginto, at dalawang silver medal sa katatapos na Thailand Pattaya Youth Chess Championship.

Pinangunahan nina Mayor Antonio “Ony” Ferrer at Ms. Baby Lyn Kempiz ng City Mayor’s Office ang pagbibigay pugay sa mga batang chess players na sina gold medallist Clark Jemuel Cabatian, Relghie Columna, Bonjoure Fille Suyamin, silver medallist Jirah floravie Cutiyog at silver medallist Geraldine Mae Camarines .

Ang grupo ay bahagi ng General Trias City, Cavite chess club.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng butihing mayor sa mga kabataang atleta sa impresibong kampanya sa international tournament.

Nagbigay ng cash incentives ang butihing Mayor sa halagang P15,000 (gold), P10,000 (silver) at P5,000 (member).

“The cash incentives were just a bonus but the presence of the mayor made the recognition special and memorable,” pahayag ni coach Ederwin Estavillo, pangulo rin General Trias City Chess Club.

Ang iba pang miyembro ay sina Kaiza Libo-on, Carlyhne Mae Maneja, Adrian Klein Cantomayor, Dan Japhet Libo-on, Josh Edmar Castro, Earl Siegfrid Sta. Maria, Heart Florence Claros, Jeanelle Cabatian, Janmyl Dilan Tisado , Jireh Dan Jaime Cutiyog at Paolo Estavillo