(UNA SA 2 BAHAGI)

KUNG gagawing batayan ang napakainit na response ng netizens sa bawat artikulo na inilalabas sa online edition ng BALITA, si Kyline Alcantara ang pinakasikat na young star sa kasalukuyan.

Kyline

Umaani ang updates sa kanya ng pinakamaraming likes at libu-libo rin ang shares.Sunflowers ang tawag sa fans ni Kyline na nagpapagunita sa passion ng mga tagahanga nina Nora Aunor at Vilma Santos noong 70s, nina Sharon Cuneta at Maricel Soriano noong 80s, at nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto noong 90s.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matagal-tagal kaming naghintay na mainterbyu nang sarilinan si Kyline at napagbigyan kami nang ilunsad siya bilang endorser ng Simply G beauty products. “I’m very thankful po na pinagkatiwalaan ako ng isa pang company para maging endorser or ambassadress nila sa kanilang mga product,” masayang kuwento ng 16-year-old teen star nang humarap sa amin kasama sina Katotong Lito Mañago at Glenn Regondola.

“Nagulat po ako sa ginawa nilang grand welcome sa akin. Pagpasok ko sa hall, ang daming tao, punung-puno. Sabi ko nga po, ‘Anong meron?’ So, parang ang saya-saya ko lang po.”

Feeling star na ba siya sa malaking paghahandang ginawa para maipakilala siya ng company?

“Hindi po! Wala akong nararamdamang gano’n. Well, ako po kasi ayokong isipin na parang star. Wala pong star-star. Kumbaga, ginagawa ko lang talaga kung ano ‘yung gusto ko at kung ano ‘yung happiness ko.”Paano ‘yan, tanong ko, may fans nang nagsasabi na siya raw ang next superstar?

“Next superstar? Ngek, hindi pa! Pero nakakatuwa na gano’n na ang tingin nila sa akin. Parang achievement na ito. Ito po ‘yong gusto ko, walang kapaguran.”

Hindi lang siya sikat na sikat, kasi ginagawaran na rin siya ng acting awards. Ano ang kahulugan sa kanya ng awards na natatanggap niya?“Nagre-recognize na po ‘yung mga pinaghihirapan ko at paghihirapan pa po. Siguro po, sign din ito na kailangan ko pang i-level up ‘yung bawat performances ko. Na kailangan ko pa pong tumanggap ng maraming challenging na roles.”

Pero noong ilang taon na wala siyang anumang project, nag-isip ba siyang sumuko na?

“Oo naman po. Napakaraming times na po, dahil katulad po nu’ng sinabi ko sa MPK (Magpakailanman), naging roller-coaster ride po ‘yung life ko. Kumbaga, parang umangat ako ‘tapos bumaba ako. So parang doon na siguro nagsimulang i-appreciate ko ‘yong mga bagay na dumarating sa akin ngayon. Kasi parang you don’t know what will happen next. So ‘yon po.”

Ni-research ko, nag-teatro pala siya? Nag-theater.

“Kokonti lang po nakakaalam na nag-musical theater po ako bago ako naging artista. ‘Yung musical theater ko po is with Direk Joel Lamangan, Maynila Sa Kuko ng Liwanag.”Ngayon, bukod sa sunud-sunod na TV projects, tumatambak na product endorsements, araw-araw na dala-dalawang malls shows, recording artist na rin siya.

“Ang sarap po sa pakiramdam na maging busy kasi ngayon ko pa lang po na-realize sa sarili ko na sobrang workaholic pala, ha-ha-ha! Sige, bigyan n’yo lang po ako ng trabaho and just don’t mind my sleep, ako na ang bahala roon.

Puwede akong sumingit matulog pero ‘yung trabaho, paminsan-minsan lang dumarating, so you just gonna appreciate it and accept it and namnamin mo kumbaga.”(Huling bahagi bukas)

-DINDO M. BALARES